Posts

Showing posts from December 3, 2020

Nena Ang Spirit Detective 43

Image
"Ang Reyna Ng Mga Maligno" Clara: Hindeeeeehhh!!! Babae (sa isip): Hmmm.. mukang nandito na ang mga spirit detectives. Agad tumakbo si Clara nang makita nya sa damuhan ang partner na si kapitan Arvin. Clara: Bhe! Laban! Wag kang susuko. Nakatirik ang mata ni Arvin at nakatingin lang kay Clara. Pilit man nitong magsalita pero di na nya magawa. Babae: Kung ako sayo ay tapusin mo nalang ang kanyang buhay. Ang kamandag ay tatagal pa ng mga ilang oras. Ilang oras pa syang magdudusa. Biglang nawala si Clara sa paningin ng babae at agad na tumama ang suntok ng kapitan sa mukha ng babae at tumilapon ito. Babae (sa isip): Ang bilis! Pweh! Hah? San na sya? Agad na lumitaw si Clara sa likod ng babae at sinakal ito gamit ang braso. Nagpumiglas ang babae at nagawa nitong makatakas sa pagsakal ni Clara sa kanya. Tumakbo ang babae palayo kay Clara at agad na gumamit ng enerhiya para sa speed up spell. Natapatan ng babae ang bilis ni Clara. Hinabol sya ni Clara at inatake. Iniwasa