Posts

Showing posts from November 18, 2020

Nena Ang Spirit Detective 40

Image
Ang Engkwentro Sa Gubat Nena (sa isip): Binabalot ako ng kaba! Kahit pilitin kong maging matapang, natatakot parin ako sa mga pwedeng mangyari. Nena (sa isip): Lalong lalo na kay Ian, JuskuLord, sana walang mangyaring masama sa kanya at sana naman bumalik na sya sa dati. Nena (sa isip): Ibang-iba talaga ang mga kinilos nya nung nakita ko sya, parang may kumokontrol sa kanya. Clara: Nena... Nena: Ah... okay cap! Nena (sa isip): Dimensiyon Instincts! Nena (sa isip): Bahala na basta gagawin ko lahat ng makakaya ko para sa lahat. Sana lang... Wag kang lumaban samin, babe! Kasi baka di ko kayanin makita kang sinasaktan ng kahit sino. Naunang naglakad si Nena at kasunod si Marjorie sa gubat para i-check ang paligid sa mga traps. Nakaramdam si Nena ng isang kakaibang enerhiya na ngayon lang nya naramdaman. Tumigil sya sa paglalakad at sumenyas ng hinto. Lahat: .... Hinanap ni Nena ang pinanggagalingan ng enerhiya na palakas ng palakas. Unti-unting bumalot ang makapal na hamog. Nena