Posts

Showing posts from November 10, 2020

Nena Ang Spirit Detective 37

Image
  "ANG MAPAGPANGGAP NA EMPLEYADO" Kinabukasan matapos ang pagkikita ng mga spirit detectives at ng manggagamot na si Alice sa shop ni Tonyo, pinapasok kaagad ang bagong I.T. ng organisasyon na si Richard. Maagang pumasok si Richard para magpakitang gilas sa mga bagong katrabaho. In-introduce sya ni Mr. Guanzon sa building at ipinakilala sa mga empleyado. Habang sila ay magsisimula na, may nangyaring di inaasahan. Mr. Guanzon: Disconnected sa server? Pano nangyari yun? Pre pakicheck naman sa server room. Pasama ka nalang kay chief. Richard: Sige. Sinamahan si Richard ng isang guard on duty para i-check ang connections sa server room. Pumwesto sya sa blind spot ng CCTV camera sinundan sya ng gwardya. Guard: Anong problema sir? Matatagalan ba ng repair yan? Richard: Hmmm.. Saglit lang to. Maayos naman wiring system. Wala namang problema. Naglabas si Richard ng isang pen. Pinindot nya ang button nito. Guard: Para san yan sir? Richard: Ah eto ba? Guard: ... (Tumango)