Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Nobyembre 3, 2020

Nena Ang Spirit Detective 35

Imahe
  "MASAMANG PANAGINIP" EKSENA SA KWARTO NI NENA SA KASALUKUYANG ORAS: Nang makauwi si Nena ay nakatulog agad ito. Di na nya nakuha ang alagang si Ming sa pet sitter. Nang sya ay makatulog, sya ay nanaginip. Sa panaginip ni Nena: Pauwi ang dalaga galing sa headquarters. Napansin nya ang kagandahan ng liwanag ng buwan. Ilang saglit lang ay biglang nagdilim ang paligid. Nakarinig sya ng mga yabag ng kabayo. Nena: Tikbalang? Hmm.. Anong ginagawa mo dito sa syudad? Maya maya ay biglang lumakas ang mga yabag at biglang lumindol ng malakas. Nena: Ano to! Umalingawngaw ang malakas na tawa ng isang halimaw. Pagkalingon ni Nena sa headquarters ay bigla itong gumuho at lumabas ang higanteng tikbalang. " HAHAHAHAHA!!!!" Agad na hinugot ni Nena ang kanyang spirit gun at itinutok sa higanteng tikbalang. Nena: Ah! Anong kailangan mo! Bakit ka nanggugulo dito sa syudad! Tumakbong bigla ang higanteng tikbang papalapit kay Nena para umatake. Nena: Wag kang lalapet! Papup