Posts

Showing posts from October 30, 2020

Nena Ang Spirit Detective 33

Image
 " TAGPUAN " EKSENA SA MAY PARK SA TABI NG ISANG PAARALAN Uwian na nila Kisha. Si Yasmin ay nagaabang sa isang bench na dinadaanan ng mga estudyante kung saan sila madalas magkita ng kanyang best friend na si Kisha. Siya ay nakasuot ng itim na cap at kakaiba sa mga kadalasan nyang sinusuot. Maraming estudyante ang dumadaan sa harap ng kinauupuan ni Yasmin habang sya ay nakikinig ng paborito nyang mga kanta gamit ang isang sporty wireless headset. Ilang saglit lang ay lumabas sa gate ng paaralan si Kisha kasama ang iba nyang classmate. Napatingin si Kisha kay Yasmin pero hindi nito nakilala ang dalagita. Nang sila Kisha ay medyo nakalayo na, sinundan sila ni Yasmin. Sa kanto ng isang kalsada, naghiwalay na ng landas sila Kisha at ang kasamang classmate. Huminto si Yasmin at inantay niya kung saan tutungo ang kaibigan. Lumiko si Kisha patungo sa subdivision kung saan ito nakatira. Nakasunod lang si Yasmin sa di kalayuang distansya. Nang wala na masyadong tao, agad na tumak