Posts

Showing posts from October 28, 2020

Nena Ang Spirit Detective 32

Image
"ANG SIKRETO NI YASMIN" EKSENA SA LOOB NG SASAKYAN NG NILALANG: Yasmin: Ma.. Mama? Ngumiti lang ang nilalang. Agad naman itong niyakap ng dalagita. Humagulgol ng iyak si Yasmin at hinayaan lang ito ng kanyang ina na si Juliana. Hinimas himas ng ina ang likod ng anak. Juliana: Tahan na.. Tahan na. Tuloy tuloy parin sa pagiyak ang dalagita. Matapos mailabas lahat ng sama ng loob sa kanyang pagiyak, si Yasmin ay tumahan na. Yasmin: Mama.. Patay na ba ako? Juliana: (napangiti) Ano bang sinasabi mo? Syempre naman buhay ka nak. Napangiti at niyakap ng mahigpit ang kanyang mama. Nangamba si Yasmin dahil ang alam nya ay patay na ang mama nya. Pero mas nananaig ang ligayang dulot nang makasama nya ang ina. Kaya naman ayaw na nyang humiwalay dito at baka mawala itong bigla sa kanyang tabi. Tumingin ang dalagita sa kanyang ina. Yasmin: Wag mo na kong iiwan ha ma? Juliana: Oo naman anak. Wag kang magalala dahil simula ngayon hinding hindi na kita iiwan. Yasmin: Talaga? Baka na