Posts

Showing posts from October 24, 2020

Ang Kwento Ni Nena Ang Spirit Detective

Image
Sa kagustuhang mahanap ang nawawalang kasintahan, tinahak ni Nena ang mundo ng mga spirit detectives, na syang tumutulong sa pagbalanse ng katarungan at katahimikan ng mga espirito ng mga namatay at ng mga nabubuhay. Basahin sa umpisa.

Nena Ang Spirit Detective 30

Image
 "Ang Mahiwagang Dilaw Na Envelope" Huminto ang truck ng Spirit Detective Organisation sa kalsada kung saan naroon sila Nena. SDO truck driver: Dito ba? SDO service staff: Dito naka-pin point yung location e. Bumaba ang service staff na katabi ng driver at nagmatyag sa paligid. Pagtingin nito sa may bandang ibaba ay nakita nya sila Nena. SDO service staff: Hah? Tulog sila? Tumingin ang staff sa kasama nyang driver. SDO service staff: Check ko lang noy. SDO truck driver: Sige. Bumaba ang service staff sa kung saan naroon sila Nena. Pagbaba nya ay tiningnan nya isa isa ang mga tulog na spirit detectives. Service staff: Hah⁉️ Anyare sa kanila? 🤔 Bumwelo ang staff na parang sisigawan ang tatlo. Service staff: Ehem! SDO Service! Walang nangyari. Service staff: SDO Service! Gumalaw lang ng bahagya ang tatlo. Nilapit ng service staff ang mukha nya kay Rudy. Service staff: Sir. Sir, SDO service po. Nakapikit pa si Rudy habang nagsalita. Rudy: Ah, oo may multo nga... At nakatulog sya