Nena Ang Spirit Detective 43

"Ang Reyna Ng Mga Maligno"

Clara: Hindeeeeehhh!!!

Babae (sa isip): Hmmm.. mukang nandito na ang mga spirit detectives.

Agad tumakbo si Clara nang makita nya sa damuhan ang partner na si kapitan Arvin.

Clara: Bhe! Laban! Wag kang susuko.

Clara at Arvin sa damuhan

Nakatirik ang mata ni Arvin at nakatingin lang kay Clara. Pilit man nitong magsalita pero di na nya magawa.

Babae: Kung ako sayo ay tapusin mo nalang ang kanyang buhay. Ang kamandag ay tatagal pa ng mga ilang oras. Ilang oras pa syang magdudusa.

Biglang nawala si Clara sa paningin ng babae at agad na tumama ang suntok ng kapitan sa mukha ng babae at tumilapon ito.

Clara sinuntok si Juliana

Babae (sa isip): Ang bilis! Pweh! Hah? San na sya?

Clara sinakal si Juliana

Agad na lumitaw si Clara sa likod ng babae at sinakal ito gamit ang braso. Nagpumiglas ang babae at nagawa nitong makatakas sa pagsakal ni Clara sa kanya.

Tumakbo ang babae palayo kay Clara at agad na gumamit ng enerhiya para sa speed up spell. Natapatan ng babae ang bilis ni Clara. Hinabol sya ni Clara at inatake.

Iniwasan ng babae ang mga atake ni Clara pero mas mabilis ng kaunti ang speed up spell ni Clara kaya lumanding ang isa nitong sintok sa mukha. 

Suntok sa mukha ni Juliana ni Clara

Muling umatake si Clara at tumamang muli ang atake sa sikmura.

Di masyadong ininda ng babae ang mga tumamang suntok at humakbang ng malayong atras. Agad na lumitaw ang buntot ng alupihan sa likod ng babae at inatake si Clara. Nagawa nyang iwasan ang atake.

Juliana umiwas sa atake ni Clara

Tumakbo palapit si Clara sa babae. Ang kalaban naman ay agad na humawak sa puno sa pagbigay ng utos sa mga baging. Pumalupot sa katawan ni Clara ang mga baging. Ni-reactivate ni Clara ang kanyang spell na Kalasag Ni Sol at nawasak ang mga baging na pumalupot sa kanya.

Muling umatake ang babae gamit ang buntot ng alupihan at tinamaan si Clara sa kanang kamay. Agad na hinawakan ni Clara ang tumusok na buntot at hinatak ito ng malakas para mapalapit ang babae. Paglapit ng babae ay sinuntok muli ni Clara ang mukha ng babae.

Maliksing bumalanse ang babae at tumalon sa isang matibay na sanga ng puno. Ibinalik nya ang buntot sa kanyang katawan at lumayo kay Clara. Sinundan sya ni Clara.

Sa sitwasyon ni Arvin:

Dumating sina Alice bitbit ang dalawang dalagitang walang malay. Nang makita ni Alice ang duguang si Arvin agad nitong chineck ang nagaagaw-buhay na kapitan.

Alice (sa isip): Kamandag ng reyna ng maligno.

Nag-labas si alice ng napakaraming itim na enerhiya at inipon sa kanyang kamay. Naglikha ito ng isang mahiwagang itim na malaking bula. Dahan-dahang nya itong pinadaan sa buong katawan ni Arvin. Lahat ng lason ay napunta sa loob ng bula. Inilagay ni Alice ang lason sa isang botelya.

Itinabi nya ang botelya. Manghang-mangha sina Rudy at Marjorie habang pinapanood nila ang panggagamot ni Alice kay Arvin.

Hiningal bigla si Alice.

Rudy: Ok ka lang?
Marjorie: Ang galing mo ate Alice.

Alice: Hindi pa tapos. Tinanggal ko palang ang lason sa katawan nya.

Kinuha at ininom ni Alice ang pinabaon sa kanya ng kanyang kapatid na si Tonyo na premium stamina potion na kayang magbigay ng malaking amount ng stamina para mabilis na mag-recover ang energy levels na nawala sa kanya.

Muli syang nag-ipon ng maraming itim na enerhiya at bumuo ng isang itim na orb. Inilagay niya iyon sa nasaksak na bahagi ng katawan ni Arvin at napasigaw si arvin sa sakit.

Arvin: Aaaaaaaaaaaaaaahhhhh!

Tuloy-tuloy lang ang sigaw ni Arvin hanggang sa unti-unting kumipot ang sugat nito. Nang kumipot ang sugat hanggang sa balat na bahagi ay kumalma na ito. Bigla namang nanghina si Alice.

Alice: hah.... Hhah... Pakitulungan akong lagyan sya ng benda.

Dali-daling tumulong si Marjorie sa paglagay ng benda kay captain Arvin. Uminom kagad si Alice ng mahinang klaseng stamina potion para manumbalik ang kanyang lakas.

Alice: Matatagalan ang kanyang recovery. Ang lason ay nanggaling sa reyna ng mga maligno. Mabuti nalang at naabutan natin sya kaagad at naalis ko pa ang lason sa kanyang katawan.

Biglang tumalsik malapit sa kanila si Clara. Nakapagbalanse ito at bumagsak ng maayos sa lupa.

Clara: Hah? Mabuti nalang at dumating kayo kagad. Kamusta si Arvin.

Alice: Okay na ang lagay nya pero hindi na sya makakalaban. Matatagalan ang kanyang recovery.

Rudy: Iwas!

Umatake ang buntot ng alupihan kay Clara at agad nya itong naiwasan tumama ang buntot sa lupa at muling bumalik sa babae.

Dinala ng mga buhay na baging ang babae papalabas sa mga puno.

Rudy: Yan ang...
Alice: Reyna ng mga maligno.

Clara: Tama! Ang katawan ng biktima ay siguradong mahal sa buhay ng mga batang to.
Alice: Tama. Ang reyna ng maligno ay idadamay ang mga mahal sa buhay ng kanyang biktima at bibinhian ng mga supling nito.

Babae: Hahahahaha! Magaling, magaling! Ako ang reyna ng maligno at lahat kayo ay aking magiging biktima!

Nag-ipon ng maraming itim, lila, at pulang enerhiya ang reyna ng maligno.

Clara: Mag-handa kayo aatake sya! Protektahan ang mga biktima!

Ilang saglit lang ay inihagis ng reyna ng maligno ang inipong enerhiya sa itaas ng mga puno. Biglang nabalot ang kapaligiran ng nakakasilaw na liwanag. Ang lahat ay nasilaw at ng tingnan nila ang reyna ng maligno, bigla itong nawala sa pwesto nito. Tanging ang mga tawa ng maligno ang kanilang naririnig, pero hindi nila matukoy ang pinanggagalingan.


Reyna ng maligno: Hahahaha hahahaha hahahahaha.

Clara: Isa itong spell.
Alice: Nasa ilalim tayong lahat ng spell ng reyna ng maligno.
Marjorie: Hah?! San na sya? Ganun ba kabilis ang kilos nya?
Clara: Oo! Masyadog mabilis ang reyna ng maligno. Kaya ko syang sabayan kapag natapos ang cooldown ng speed up spell ko.

Rudy: Maglalagay ako ng barrier para sa lahat.

Nag-release si Rudy ng barrier para sa lahat, pero sa dami nila hindi ganun katibay ang barrier.

Reyna ng maligno: Hahahaha hahahaha hahahahaha!

Lumitaw bigla sa itaas ang reyna ng maligno.

Alice: Sa itaas!!!

Tumingala lahat sa itaas at denepensahan nila ang kanilang mga sarili. Biglang naglaho ang halimaw.

Lahat: huh??
Clara: Ilusyon!?

Biglang tumusok ang buntot ng alupihan sa likod ni Alice.

Alice: Aaaaahhhh!!!!

Rudy: Hindeeeeee!!!!

Clara: Alice!

Marjorie: Ate!

Agad na naglabas ng palaso si Marjorie at pinana nya ang pinanggalingan ng buntot. Galit na galit na umatake si Rudy patungo sa pinapana ni Marjorie. Naaninag ni Rudy na tinamaan ni Marjorie ang reyna ng maligno.

Rudy: Magbabayad ka! Patay ka sakin!

Nag-spirit chanelling si Rudy at itinodo ang kanyang enerhiya sa isang suntok sa reyna ng maligno.

BOOOOOM!

Biglang nagbago ang anyo ng reyna ng maligno at naging isang puno.

Rudy: Huh?! Isang ilusyon.

Rudy: Lamabas ka duwag!!!

Dali-daling ibinigay ni Clara ang natitira nyang healing potion kay Alice.

Alice: Salamat.

Pilit na gumawa si Alice ng healing bubble para tanggalin ang lason sa kanyang sugat.

Alice: Aaaaaahhhh!

Pinilit tanggalin ni Alice ang lason kahit sobrang sakit.

Alice: Aahh!

Clara: Okay ka lang?

Alice: Okay na ko.

Pinilit tumayo ni Alice pero hirap na hirap syang tumayo.

Alice: Ahh! Di ako makabangon.

Clara: Wag mo na ipilit.

Alice: Kailangan natin syang i-trap.

Clara: Tama. Marj, may mga traps ka ba jan.

Marjorie: Meron pa cap. Sige, diskartehan ko nalang kung pano natin sya mahuli.

Biglang may bumulong kay Rudy "Gusto mo nang mamatay?". "Oo" sagot ni Rudy.

Biglang tumusok ang buntot ng alupihan sa tiyan ni Rudy pero di umubra dahil protektado si Rudy ng kanyang mataas na klaseng Barrier.

Rudy: Huli ka!

Dinakma ni Rudy ang buntot at hinatak ito. Inihalis nya ang reyna ng maligno sa lupa at lahat ay nagulat.

Clara: Ayun! Marj ngayon na!

Marjorie: Copy!

Agad na binato ni Marjorie ng acid bottle ang reyna ng maligno.

Aaaaaaaahhhhhh!!!! Sigaw ng halimaw.

Kumuha ng tatlong palaso si Marjorie at nag-ipon ng pulang enerhiya sa mga ito. Ilang saglit lang at ikinarga nya ang tatlong palaso sa kanyang "Pana ni Abdul Rah" at itinutok sa himpapawid sa direksyon ng reyna ng maligno.

Pinakawalan nya ang mga palaso. Bumagsak ang tatlong malalaking palaso sa paligid ng reyna ng halimaw.

Marjorie: MAGNETIC ARROWS!

Naglabas ng mga electricity ang mga palaso at hinatak sa gitna nito ang reyna ng maligno.

Reyna ng maligno: AHHHHHH!!!!

Dali-daling tumakbo si Rudy patungo sa reyna ng maligno at nagkarga ng napakaraming pinaghalong pula at asul na enerhiya sa kanyang kamao.

Rudy: Etong sayooooo!!! DYNAMITE PUNCH NI PACQUIAO!

Tinamaan sa mukha ang natrap na reyna ng maligno.

Booooomm!

Reyna ng maligno: Aaaaaaahhhhhh!!!!!

Nasaktan ang reyna ng maligno at tumingin ng masama kay Rudy.

WWWWWWRRRRRAAAAHHHHH!!!!

Nagbago ang boses ng reyna ng maligno at naging pinaghalong boses ni Juliana at isang malaking boses ng halimaw.

Pinana ng pinana ni Marjorie ang na-trap na halimaw. Ininda ng halimaw ang bawat palasong tumama dito.

WWWWRRRAAAHHHH!!!

Ni-reactivate ni Clara ang kanyang protective spell na "Kalasag Ni Sol" at pumunta sa harapan ng reyna ng maligno.

Clara: Katapusan mo na!

Hinugot ni Clara ang kanyang maliit na pocket pistol, kinargahan ng bagong magazine na naglalaman ng eternal bullet at ipinutok sa katawan ng reyna ng maligno.

BANG!!!!

Aaaaaaaaaaahhhhh!!!

Sigaw ng reyna ng maligno. Unti-unting naabo ang reyna ng maligno paalis sa katawan ni Juliana. Bamalik sa dati ang paligid at nawalan ng effect ang magnetic arrows ni Marjorie.

Bumagsak sa lupa ang nabugbog at walang malay na katawan ni Juliana.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Nena Ang Spirit Detective 19

Nena Ang Spirit Detective 20