Nena Ang Spirit Detective 31

"ANG KWENTO NI YASMIN"


EKSENA SA ISANG SAFE HOUSE SA TAGONG LUGAR NG SYUDAD:

Pumasok sa kanyang kwarto si Yasmin at inilagay ang kanyang backpack sa lamesa.


Nahiga ang dalagita sa kanyang kama at nagmuni-muni. Biglang sumagi sa isip nya ang ala-ala ng kanyang nakaraan. Naalala nya ang pagmamaltrato sa kanya ng kanyang step mom na si Tina tuwing umuuwi sya sa dating condo nila.


Nakaraan ni Yasmin:

Dahan dahang binuksan ni Yasmin ang pinto ng kanilang condo. Sumilip sa loob at kapansin pansin agad ang gulo ng unit. Paglakad nya sa may sala, nandun ang kanyang step mom. Napatingin ito sa kanya.


Tina: San ka nanaman galing bata ka?! Anong oras na oh!

Yasmin: ahh.. Kila Kisha po may ginawa lang po akong project.

Tina: Project, project.. Tigilan mo nga ako at wag mo kong pinagloloko ha! Baka nakipagkita ka nanaman sa manliligaw mo!


Tina: Tingnan mo nga yung bahay ang gulo gulo!

Yasmin: Project naman po talaga ginawa ko eh!


Nagpantig ang tenga ni Tina sa pagsagot ni Yasmin. Lumapit ito sa dalagita at piningot ang tenga.


Tina: Marunong ka nang sumagot! Ano bang pinagmamayabang mo sakin ha! Nyeta ka!


Napaiyak bigla si Yasmin dahil yun ang unang beses syang sinaktan ng kanyang step mom na kahit kailan di ginawa sa kanya ng tunay nyang ina nung nabubuhay pa ito.

Nagpumiglas si Yasmin sa pagkakapingot sa kanya ni Tina.

Yasmin: Aray! Nasasaktan po ako!


Sinampal bigla sya ni Tina.


Yasmin: Aray!!

Napatingin ang dalagita kay Tina.

Tina: Ano lalaban ka na! Sige lumaban ka! Nang makita mo hinahanap mo! Kapatid mo (anak ni Tina) kahit kelan di sumagot sakin yan! Ikaw ang bata bata mo pa sasagot sagot ka na sakin.


Umiiyak lang si Yasmin.


Tina: Pag ganitong di pa nagpapadala yung daddy mong lasinggero wag mo kong iniinis ha! Maghugas ka ng mga hugasan dun!


Lumakad papuntang lababo si Yasmin habang umiiyak. Pagtingin nya sa kapatid sa kama ay nakahiga lang ito at nagsecellphone. Dumiretsyo sya sa lababo. Tambak ang mga hugasan at sinimulan nyang ayusin ang mga ito habang patuloy parin ang pagiyak ang dalagita.


Pinagmasdan sya ni Tina. At nang sinimulan nang ayusin ni Yasmin ang mga hugasin ay bumalik na to sa sala at tinuloy ang pinapanood na Koreanovela sa Netflix.


Tina: Ayusin mo ang paghuhugas mo ha! Ayokong may matitirang mumu mumu sa mga plato!


Sigaw ng stepmom nya.


Hindi na magawang sumagot ni Yasmin dahil sobrang bigat na ng sama ng loob nya sa kalagayan nya.


Yasmin: (sa isip) Mama! Mama! Bat mo kasi ako iniwan! Miss na miss na kita! Lord ano ba tong mga nangyayari sakin? Tulungan mo naman ako!


Nang matapos maghugas ni Yasmin naramdaman ni Tina na pinatay na nito ang gripo.


Tina: Pagkatapos mo dyan ayusin mo yong mga kalat sa sala ha! Pati yung lamesa dyan sa kusina ayusin mo!


Papasok na sana si Yasmin sa kwarto nya pero nilinis nya muna ang mga pinapaayos ng kanyang stepmom. Matapos ang halos dalawang oras nyang paglilinis ay papasok na sya sa kwarto nya.


Tina: Hep hep hep! Halika dito.


Lumapit si Yasmin sa stepmom.


Tina: Yan! Ganyan! Nang hindi ka nasasaktan! 

Tina: Ipahiram mo muna sakin yung allowance mo.


Yasmin: Po?


Tina: Allowance mo peram muna!


Kinuha ni Yasmin ang kanyang wallet at nang kukunin na nya ang pera sa loob nito ay biglang kinuha ng kanyang stepmom ang wallet.


Nabigla si Yasmin at di nalang umimik.


Pagbukas ni Tina ng wallet ay nainis ito sa nakita nyang larawan ng yumaong ina kasama ang dalagita at daddy nya.


Nangamba si Yasmin sa gagawin ng kanyang stepmom.


Inilabas ni Tina ang larawan sa wallet at pinagpupunit punit ito sa harapan ng dalagita. Kinuha ni Tina lahat ng pera ni Yasmin at ibinalik ang wallet nyang wala nang laman.


Naluha si Yasmin.


Tina: Ayoko nang makikita sa pamamahay na to ang mga pictures ng mama mo! Maliwanag! Matulog ka na. Isabay mo na tong mga kalat na to.


Dinampot ni Yasmin ang pirapirasong larawan at dumiretsyo na sa kanyang kwarto.


Umiyak nalang sya ng umiyak sa kanyang higaan hanggang sa makatulog ito.


Paulit ulit lang ang nangyari hanggang sa isang araw ay di na nya kayang tiisin ang ganong klaseng buhay. Matapos ang klase nya hindi na sya umuwi sa bahay nila at nagpalaboy laboy nalang sa kalsada.


Hindi na rin sya pumasok sa eskwela at ang pera nya ay naubos na rin. Sa gutom nya ay idinaan nalang nya sa tulog hanggang sa isang gabi, sa madilim na kalsada, isang pangyayari ang di nya inaasahang mangyari.


Dalawang kalalakihan ang dumaan sa kalsada kung saan sya nagtatago at napansin sya ng mga ito.


Lalaki 1: Tol (itinuro si Yasmin gamit ang nguso)

Lalaki 2: Oy! Tara!


Habang papalapit ang dalawa ay tumakbong bigla si Yasmin papasok sa isang eskinitang madilim. Agad syang hinabol ng dalawa. Agad syang naabutan ng isang lalaki at hinablot ang bag nito.


Yasmin: Ano ba bitawan mo po ko!

Lalaki 1: Akina yang bag mo!

Yasmin: Wala po kayong makukuha sakin! Wala akong pera!


Tinanggal ng lalaki ang bag ni Yasmin sa kanya at ibinato sa kanyang kasama. Agad na tiningnan ng kasama nya ang laman nito. Wala syang makitang mananakaw kundi mga gamit pambabae.


Yasmin: Tuloooong!


Tinakpan ng lalaki ang bibig ni Yasmin at napansin nya ang kagandahan ng dalagita. Agad itong tumingin sa kasama.


Lalaki 1: Tol, panalo!

Lalaki 2: Sige mauna ka na bilisan mo, bantay ako.


Hinatak ng lalaki habang tinatakpan ang bibig nito sa mas madilim na bahagi ng eskinita. Nagpumiglas si Yasmin pero wala itong nagawa. Nang huhubaran na ng lalaki ang dalagita ay biglang may tumusok sa leeg ng nito.


Lalaki 1: Ahhh! (kinapa ang tumusok at hinugot ito) ano to?


Sumilip sya sa kasama habang tinatakpan ang bibig ni Yasmin. Nakita nyang nandun pa ito, kaya't di nalang nya pinansin ang tumusok na tila karayom sa kanya at itinuloy ang paghubad sa dalagita. Nang sisirain na nya ang uniform ni Yasmin ay bigla nalang napatigil ang lalaki.


Nakaramdam ito ng pagkahilo at biglang nagbago ang paningin. Agad itong tumakbo sa kasamang lalaki.


Lalaki 2: Hah? Ambilis naman? Bantay ka muna.


Naglabas ng patalim ang lalaking natusok ng karayom at hindi ito inaasahan ng kanyang kasama. Pinagsasaksak nya ang kasama hanggang sa mamatay ito. Dahan dahang tumayo ang lalaki at nakiramdam sa paligid.


Nang mapansin nito na may papadating na sasakyan ay binagsak nito ang hawak na patalim sa sahig at agad na tumakbo para ipasagasa ang sarili sa sasakyan.


Sa bilis ng sasakyan ay tumilapon ito palalayo.


Lumabas mula sa dilim ang isang nilalang at itinayo si Yasmin. Inayos nito ang damit at buhok ng dalagita at dinampot ang bag sa sahig.

Ang kwento ni Yasmin

Nilalang: Halika, sumama ka sa akin.


Di na magawang magsalita ng dalagita at iyak nalang ito ng iyak. Inakay sya ng nilalang papasok sa sasakyan nito. Pagpasok ng nilalang binuksan nito ang ilaw. Dahan dahang tumingin si Yasmin sa nilalang at laking gulat nito sa kanyang nakita.


Itutuloy... Basahin ang kasunod

Comments

Popular posts from this blog

Nena Ang Spirit Detective 19

Nena Ang Spirit Detective 11