Posts

Showing posts from December 9, 2019

Nena Ang Spirit Detective 28

Image
Continuation... "Ang Pagtatalo Sa Halimaw" By: @pinoycreator Nagpadala ang Spirit World Headquarters ng back- up troops sa area pero hindi nila dala ang truck service na ni-request ni Nena. Tumawag din ang headquarters sa Spirit Detective Organization Division 24 para magpadala ng isang Rank A spirit detective sa area. Bumaba sa isang high-end car ang kapitan ng tropang pinadala ng headquarters. Agad din nagbabaan ang mga troops na armado ng mga baril. Maangas na naglalakad papalapit kay Nena ang kapitan ng mga tropa na si Captain Arvin. Pinalibutan ng mga tropa ng headquarters ang halimaw at tinutukan ito ng baril. Nena: Sandaleeee!!!! Walang magpapaputok!!! Ibaba nyo mga armas nyo!  Sumenyas ang kapitan sa kanyang mga tropa na walang magpapaputok. Capt. Arvin: Hmmm... Buhay pa yang halimaw kailangan nating tapusin yan. Ano ang dahilan mo para wag magpaputok? Napatingin si Nena kay Capt. Arvin at napansin nya ang badge nito kaya alam nya na sya