Posts

Showing posts from November 26, 2019

Nena Ang Spirit Detective 27

Image
Continuation... "Ang Pagmamahal Ng Isang Magulang" By: @pinoycreator Nag-umapaw sa galit ang dambuhalang halimaw ng matamaan ito sa kahinaan nito. Nagpakawala ng hampas gamit ang mga kamay nito kay Rudy na iniwasan ni Rudy ng matagumpay. Nagkandawasak-wasak ang sahig dahil sa mga pinakawalang hampas ng halimaw. Lumakad si Nena papunta sa dalawa habang naka-on ang kanyang Dimensiyon Instincts. Matapos magpakawala ng halimaw ng mga hampas ay lumapit si Rudy sa may dibdib ng kalaban at nagpakawala ng isang malakas na spirit punch! TggggssSshh! Napa-atras ang halimaw. Halimaw: WwwrraaAahh!!! Rudy: Hahaha! Masakit ba? Akala ko ba matibay ka ha? Malapit nang mag-end ang spirit body armor ni Rudy ng biglang nagpakawala ng isang mabigat na hampas ang halimaw gamit ang dalawa sa apat na kamay nito. Di napaghandaan ni Rudy ang pag-atake kaya naman sinalo nya ang mga kamay ng halimaw. Halimaw: WWWwwrrraaaahhh!!! Hindi na-damage si Rudy dahil siya ay protektado pa ng kany