Posts

Showing posts from November 2, 2019

Nena Ang Spirit Detective 21

Image
Continuation... "Ang Rank A Promotion Ni Nena" By: @pinoycreator Kinabukasan matapos ang successful na plano ni Nena ay pumutok ang balita. Mabilis na umepekto ang Judgement Curse Spell ni Nena kay Don De La Cruz. Marami ang nagulat sa mga nangyari. Dahil sa matagumpay nyang misyon ay tumaas na ang ranggo ni Nena bilang isang spirit detective. Si Nena ay isa na ngayong Rank A spirit detective kung saan mas mahirap na ang mga misyon na pwede nyang trabahuhin. Naisyuhan si Nena ng isang eternal bullet bilang isang reward sa pagtungtong nya sa Rank A. Nakolekta rin ni Nena ang kanyang reward na 150,000 pesos sa matagumpay nyang misyon sa abandonadong hotel. Bumili si Nena ng mga bala para sa kanyang spirit gun pati bago at mas matibay na cellphone. Bumalik din sya sa Spirit World Research and Development para malaman ang resulta ng kanilang pag-aaral sa mahiwagang tela. Napag-alaman ng mga researcher na ang tela ay may kakayanang itago ang spirit at energy-based powers n