Posts

Showing posts from October 30, 2019

Nena Ang Spirit Detective 19

Image
Continuation... "Ang Negosasyon" By: @pinoycreator Narecover ni Nena ang isang telang itim na mahiwaga ayon sa kanyang paningin. Ang tela ang nagsilbing medium ng black lady. Binigay nya ang mahiwang tela sa spirit world research and development para mapag-aralan at mapakinabangan. Paguwi ni Nena ay inaral niyang mabuti ang mga hakbang na gagawin niya. Nag-background check siya sa kanyang target na si Don George De La Cruz. Confidential ang gagawin niyang hakbang dahil protektado ng kanyang yaman at impluwensiya ang suspect. Kinabukasan ay nagpagawa si Nena sa kanyang kaibigan ng kasulatan na magpapaamin at magpapasuko ng kusa sa suspect sa kanyang ginawang krimen at magdodonate ng mga kayamanan nito sa mga organisasyong tululong sa mga nangangailangan. Habangbuhay na suporta sa naulila ni Mary Anne, at share sa pamilya ng suspect. Napag-alaman ni Nena na isa sa laging pinupuntahan ni Don De La Cruz ay ang kanyang high end underground bar isang beses sa isang linggo.