Posts

Showing posts from October 23, 2019

Nena Ang Spirit Detective 16

Image
Continuation... "Si Nena At Ang Galit Na White Lady" By: @pinoycreator Hindi na sumagot ang white lady sa itaas ng palapag at pumasok nalang ito sa loob ng building. Lumapit si Nena sa may building at inilabas niya ang kanyang spirit gun. Dahan-dahan niyang inakyat ang hagdanan papunta sa entrance ng building. Habang siya ay naglalakad papasok sa entrance ng abandonadong hotel, napansin niya na may mga nagkalat na buhok. Sumandal siya sa kanto ng pader malapit sa entrance ng hotel. Bigla niyang itinutok ang kanyang spirit gun sa entrance ng hotel. Wala doon ang white lady. Pumasok siya sa sirang entrance ng hotel at hinanap niya ang white lady. Nena: Kaya nyang itago ang lokasyon niya.. mukang di ito isang ordinaryong multo. Naglakad si Nena sa kaliwang entrance papunta sa gitnang bahagi ng unang palapag ng hotel. Sa bandang gitna ng lobby, biglang lumitaw ang white lady. White lady: Gusto.. mong.. makipagla.. ro? Nena: Oo. Biglang bumulusok sa direksyon kung n