Posts

Showing posts from October 19, 2019

Nena Ang Spirit Detective 14

Image
Continuation... "Bill, Ang Batang Spirit Detective" By: @pinoycreator Pagkatapos mag-lunch nila Nena at Bill sinimulan na nilang pag-usapan ang mga katanungan ni Nena. Bill: "Busog! Ansarap talagang kumain dito sa Kainan Sa Hardin." Nena: "Oo nga eh. Masasarap talaga mga pagkain dito." Bill: "Ano na nga po pala itatanong nyo?" Nena: "Hmmm. Ganito kasi yun. Habang off-mission ako, naaksidente ako. Tapos pakiramdam ko nagblack-out talaga ako. Pakiramdam ko namatay ako e. Muntikan nang i-consume ng maligno at espirito ko, buti nalang sinagip ako ng alaga kong si Ming sa ibang Dimensiyon. Nena: "Pagbalik ko sa ating Dimensiyon, hindi ko makontrol ang sarili ko. Parang may nag-control sakin. Nagkaron din ako ng kakaibang abilities para talunin yung maligno sa ating Dimensiyon. Tapos.. ayun nakabalik na ko sa sarili kong katawan." Bill: "Abilities yun ng alaga mong si Ming. At sa tingin ko po, spirit fusion ang nangyari