Posts

Showing posts from October 11, 2019

Nena Ang Spirit Detective 11

Continuation... "Ang kapangyarihan ng amulet" By: @pinoycreator Nabalot si Nena ng mga itim na tila ahas na walang bibig na nanggaling sa maligno. Nagpumiglas si Nena habang hinihila siyang papalapit ng maligno. Maligno: "Hahahha. Kita mo na? Sinabi ko naman sayo eh wala ka nang magagawa kundi maging parte ng kapangyarihan ko eh. Ilang saglit nalang at mapapasakin na ang espirito mo. Kahit anong gawin mong pagpupumiglas diyan ay wala ring magagawa!" Nena: "Ahhh! Di to pwedeng mangyari sakin. Marami pang nangangailangan ng tulong ko. May naghihintay pa sa akin." Lumaki ang bunganga ng maligno at handa na nitong lamunin ng buo ang espirito ni Nena. Humigpit ang mga nakapalupot kay Nena at hindi na niya magawang magpumiglas. Dahan-dahang hinihila si Nena papalapit. Ngumanga ang maligno at ito ay takam na takam na naglalaway sa espirito ni Nena. Pumalupot narin sa bibig ni Nena ang mga nakapalupot sa katawan niya at siya ay hindi na makapagsalita.