Posts

Showing posts from October 8, 2019

Nena Ang Spirit Detective 10

Image
Continuation... "Sa mundo ng mga yumao at ang maligno" By: @pinoycreator Lumiwanag ang paningin ni Nena at ang mga tunog ng paglalakbay sa ibang Dimensiyon ay kanyang narinig. Naglakbay ang diwa niya habang ang katawan niya sa Mundo ay pumanaw na. Napunta siya sa outer space at namangha sa kagandahan ng Mundo habang tinitingnan niya ito. Bigla siyang bumulusok pababa ulit sa Mundo, habang siya ay pabagsak ay nagliyab ang kanyang katawan pero hindi niya naramdaman ang init. Bumagsak ang espirito ni Nena sa isang madilim na kagubatan na halos wala siyang makita kundi ang mga mumunting dahon sa kanyang paligid. Nena: "Nasaan na ako? Anong bang nangyari sa akin? Ang natatandaan ko ay maayos naman akong nagmamaneho pero bigla nalang akong tumilapon." Kinapa ni Nena ang kanyang katawan at ang sa palagay niya ay maayos naman ang kalagayan niya. Dahan-dahang naglakad si Nena at umaasa na may makita siyang liwanag. Naalala niya bigla ang kanyang alaga