Posts

Showing posts from October 5, 2019

Nena ang spirit detective 8

Continuation... Nena ang spirit detective 8 By: @pinoycreator Matapos ang tagumpay na pag-gabay ni Nena sa ligaw na espirito, siya ay nakabalik na sa Dimensiyon ng mundo. Ang itim na pusa ay hinang-hina at walang malay. Nena: "Pasensya ka na at late ako nakapunta para i-rescue ka. Hmm.. iba din talaga ang itsura mo kumpara sa mga normal na pusa e noh? Simula ngayon ako na ang mag-aalaga sa'yo. Tatawagin kitang Ming." isinama ni Nena si Ming sa kanilang Condo. At siya na ang nag-alaga dito. Kinabukasan ng umaga ay nag-online si Nena sa apps na gamit niya para sa kanyang freelance job. Minark as "completed" niya ang kanyang project para sa mag-asawang Bright. Nag-iwan din siya ng note sa kanila na "Mission accomolished po. Please observe the place for 9 days." Makalipas ang ilang oras. Na-receive na ni Nena ang full payment sa kanya ng mag-asawang Bright sa kanyang mobile wallet. Sa loob ng tatlong araw, inalagaan ni Nena si Ming hanggang sa it