Posts

Showing posts from September 22, 2019

Nena Ang Spirit Detective 6

Image
"Ang pagsapi ng ligaw na kaluluwa." Continuation... Read previous By: @pinoycreator Unti-unting dinilat ni Nena ang kanyang mga mata. Lumawanag ng kaunti ang paligid. Naglakad siya ng dahan-dahan at maingat papunta sa bandang gitna ng bahay. Napansin niya na may kumikislap na tila mga mata sa di kalayuan sa may bandang gitna ng bahay. Siya ay lumakad pa ng kaunti at huminto. Napansin niya na may pusang itim na nakatayo sa bandang gitna. Nang pinagmasdan niyang mabuti napansin niya na kakaiba ang itsura ng pusa at ito ay gumawa ng tunog ng galit na pusa. Nena: "Okay lang yan, miyawi. Di naman ako nananakit. Ikaw ba ang may kagagawan ng mga ito?" Tumahimik ang pusa at tumalikod sa kanya. Ilang saglit pa ay naglakad patago sa isang malaking pader. Nena: "Di ako nagkakamali. Sa pusa nanggagaling ang mabigat na pakiramdam ko. Pwedeng sa kanya sumapi ang di matahimik na espirito." Nena: "Wwssss... Ming ming ming... Halika dito may dala akon

Nena Ang Spirit Detective 5

Image
"Ang Pagpasok Ni Nena Sa Haunted House" Continuation... Read previous By: @pinoycreator Nagpahinga na si Nena pagkatapos niyang mag-gym. Nagresearch siya sa social media kung may makikita siyang mga information tungkol sa kinatatakutang "haunted house". Napag-alaman niya na ang pinakaunang nanirahan dito ay isang di gaanong katandaang lalaki. Matapos niyang magresearch ay napahinga siya ng malalim. Tumingin siya sa salamin at doon ay naaninag niya ang larawan niya na tila may kasama. Nakatulog na si Nena. Ilang saglit pa, siya ay nanaginip na may hinahabol siya na isang anino. Mabilis ang anino at patuloy niya itong hinahabol hanggang sa ito ay maglaho. Nalungkot siya sa kanyang panaginip ngunit sabi niya sa sarili na, "ok lang yan". Pagsapit ng dilim, tumunog na ang kanyang mobile phone. Excited siyang bumangon at ng tiningnan niya ang kanyang cellphone ay mayroon siyang notification sa mobile wallet niya. Ang mag-asawang Bright ay nag-down pa