Nena Ang Spirit Detective 28


Continuation...

"Ang Pagtatalo Sa Halimaw"
By: @pinoycreator

Nagpadala ang Spirit World Headquarters ng back- up troops sa area pero hindi nila dala ang truck service na ni-request ni Nena. Tumawag din ang headquarters sa Spirit Detective Organization Division 24 para magpadala ng isang Rank A spirit detective sa area.

Bumaba sa isang high-end car ang kapitan ng tropang pinadala ng headquarters. Agad din nagbabaan ang mga troops na armado ng mga baril. Maangas na naglalakad papalapit kay Nena ang kapitan ng mga tropa na si Captain Arvin. Pinalibutan ng mga tropa ng headquarters ang halimaw at tinutukan ito ng baril.

Nena: Sandaleeee!!!! Walang magpapaputok!!! Ibaba nyo mga armas nyo! 

Sumenyas ang kapitan sa kanyang mga tropa na walang magpapaputok.

Capt. Arvin: Hmmm... Buhay pa yang halimaw kailangan nating tapusin yan. Ano ang dahilan mo para wag magpaputok?

Napatingin si Nena kay Capt. Arvin at napansin nya ang badge nito kaya alam nya na sya ang kapitan ng tropa.

Nena: Cap, kailangan makabalik ng halimaw na to sa kanilang mundo.

Capt. Arvin: Ano?! Di mo ba nakikita ang damage na ginawa ng halimaw na yan? Sa nakikita ko mukang matibay ang isang to at malaking pakinabang kung magamit ang mala-titanium o mas higit pa na balat nito sa organisasyon.

Nena: Di mo naiintindihan cap. Ang nilalang na to ay isang ina at kailangan nitong makabalik sa mundo nila.

Capt. Arvin: Hah?! Ahahahahahaha! Nagpapatawa ka ba Ms. Detective? Pano mo dadalhin tong halimaw na to pabalik sa mundo nila? Sigurado ka ba sa mga sinasabi mo?

Nena: Excuse me cap! Di porket halimaw ang isang to ay magagawa nyo na ang gusto nyong gawin.

Capt. Arvin: Teka! Nagpatawag ka ng back-up tapos ngayon pipigilan mo kami para tumulong at matapos ang misyon nyo. Ano to lokohan?

Nena: Service para sa halimaw na to ang kailangan namin at mga tauhan para ihatid sya sa recovery area nya.

Capt. Arvin: Bakit parang kinakampihan mo ang halimaw na yan. Di mo ba alam na pwedeng makaperwisyo yan sa syudad? Alam mo sinasayang mo ang oras namin. Ang mabuti pa tumabi ka na jan at tatapusin na namin ang pinunta namin dito.

Nag-alab bigla ang damdamin ni Nena sa galit pero pinipigilan nya ang kanyang sarili. Bigla nalang nag-activate ang Dimensiyon Instincts ni Nena at nagbago ang kanyang mga mata. Lumakad sya ng konte paharap sa mga tropa ng headquarters at tiningnan nya ito ng masama.

Nena: Mabuti pang umalis nalang kayo kung di ka makikinig sakin!

Capt. Arvin: Hmmm... Maghinay-hinay ka sa mga kinikilos mo baka gusto mong mawalan ng lisensya bilang isang spirit detective. Warning na sayo to. Tumabi ka na jan at tatapusin na namin ang halimaw na yan.

Nena: ...

Hindi umalis sa kinatatayuan si Nena pati na si Rudy na nakikinig lang sa usapan ng dalawa.

Rudy: Ne.

Tumingin si Nena kay Rudy at tumango lang ito sa kanya. Maya-maya ay may dumating na isa pang back up spirit detective mula sa likuran ng mga tropa ng headquarters at lumapit ito kay Nena.

Nena: ... Bill?

Humarap si Bill sa kapitan at mga tropa ng headquarters.

Bill: Hindi kami aalis dito at hayaan nyong saktan pang muli ang halimaw. Narinig nyo po ang kwento ni ate Nena at naniniwala po ako sa kanya.

Nena: Bill? (Salamat)

Cap Arvin: ... Aba! Kinampihan mo pa sila. Inuubos nyo pasensya ko pati na ang oras ko. Ano bang gusto nyong mangyari?!

Hinugot ni Cap Arvin ang kanyang espada.

Umalingawngaw ang boses ng isang babae, "Tama na yan!". Lumapit kila Nena at Captain Arvin ang isang babae na may badge din na mas mataas sa kapitan.

Nena: Cap. Clara?

Lumapit si Captain Clara sa eksena. Ang lahat ay nakatingin kay Capt. Clara habang sya ay papalapit sa usapan. Nang mamukaan ni Captain Arvin si Capt. Clara, ibinalik nitong muli ang kanyang espada sa suksukan nito. Si Nena naman ay nag-deactivate ng kanyang Dimensiyon Instincts.

Capt. Clara: Kapitan Arvin, anong kaguluhan ito?

Capt. Arvin: Ahh.. Ito kasing mga ranking detectives natin ay nagpupumilit na magpadala ng service para sa dambuhalang halimaw na to.

Napatingin si Capt. Clara sa halimaw at napansin nya na buhay pa ito.

Capt. Clara: Service? Papunta san?

Capt. Arvin: Hmmm... Ewan ko. Sa pinanggalingan daw nito. Hahahaha.

Capt. Arvin: Pinadala kami dito ng headquarters bilang reinforcement tapos ganito ang madadatnan namin.

Capt. Clara: Okay. May punto ka dun. Nena. Magpaliwanag ka.

Nena: Ehem.. Nung una po ay mapanirang halimaw din ang tingin ko sa halimaw na to nang tulungan namin si Detective Marjorie sa kanyang misyon na talunin ang dambuhalang nilalang.

Nena: Na-realize ko po na inosente ang halimaw na to nang gumamit ako ng Dimensiyon Shifting at bisitahin ang ala-ala ng halimaw. Ang tunay na may sala ay ang nagdala nito sa ating mundo. Sila ang dapat managot at hindi ang inosenteng halimaw na to na may tatlong anak na naghihintay sa kanya.

Capt. Clara: Hmmm... Mejo komplikado sa kondisyon natin sa ganyang lagay. Paano naman maibabalik yan sa mundo nila?

Nena: Sa multiverse hunter's portal po sana?

Napatingin si Bill kay Nena nang banggitin niya ang portal. Naalala nito ang kanyang paglalakbay sa ibang universe.

Capt. Clara: Hmmm... Sa isla ng Globo? Hindi ko alam kung pahihintulutan nila ang paghatid sa halimaw.

Capt. Arvin: Kapitan, wag mong sabihing papayagan mo ang ganyang transaksyon? Dapat nating turuan ang leksyon ang mga halimaw na yan at ng hindi na sila makapaminsalang muli sa ating mundo!

Napangiti si Capt. Clara at inilagay niya ang kanyang kanang kamay sa balikat ni Capt. Arvin.

Capt. Clara: Ipaubaya mo na sakin to kapitan. Bata ko tong si Nena kaya nais kong malaman kung hanggang saan ang kakayanan nya. Nakasisiguro naman ako na alam nya ang ginagawa nya kaya kargo ko na to. Okay?

Asar na napatingin si Capt. Arvin kay Nena.

Capt. Arvin: Pero Cap, nasa isip mo parin naman siguro yung nangyari sa...

Capt. Clara: Hep.. Oo naman Cap Arvin. Di ko pwedeng makalimutan yun. Kaya this time, ipaubaya mo na muna sakin to.

Capt. Arvin: Copy, Cap.

Capt. Clara: Okay. Maari na kayong bumalik sa headquarters kapitan.

Capt. Arvin: Roger.

Sumenyas si Capt. Arvin sa kanyang mga tropa at ibinaba nila ang kanilang mga sandata. Sumenyas syang muli hudyat na bumalik na sa headquarters. Inis na inis si Capt. Arvin habang ito ay pabalik na sa sasakyan.

Capt. Arvin: (Salita sa sarili) Kainis! Antitigas ng ulo ng mga ranking files ngayon! Kung di lang dumating si Cap Clara tuturuan ko ng leksyon ang mga yan eh! 

Umalis na ang mga back up troops ng headquarters.

Capt. Clara: Pagpasensyahan mo na yun. Nabiktima na kasi ng halimaw ang ex nya e. Kaya overprotective na sya lalo na't may bago na syang jowa ngayon. Kaya ganun nalang din ang galit nya sa mga halimaw.

Nena: Ahh.. Okay po.

Capt. Clara: So, kamusta naman ang misyon mo sa paghahanap kay Ian?

Nena: (Tumingin kay Rudy at tumango)

Inilabas ni Rudy ang singsing na inissue kay Ian.

Capt. Clara: Ang Ring of Honor... Nasan na si Ian?

Napatingin si Rudy kay Nena at tumangong muli si Nena.

Rudy: Si Ian ay kasabwat ng mga gumagawa ng lagusan. Tinalikuran na nya ang serbisyo at nasa panig na ng ating mga target.

Capt. Clara: Ano???

Rudy: Malaki ang pinagbago nya Cap. Sinubukan naming pigilan sya at pabalikin sa pero bigo kami. Ibinigay nya samin ang singsing na yan patunay na natagpuan narin namin sya sa itinagal ng panahon. Kasama nya rin ang dating Surgeon ng organisasyon na si Doc Jun Aquino. Malaki rin ang ipinagbago ng kanilang kapangyarihan.

Nena: ...

Capt. Clara: Ganun ba? Pati si Doc Aquino? Haaay.. Naku naman. Ano bang nangyari sa mga yun?

Capt. Clara: Anyway, matibay na ibidensya na ang singsing na yan. Kailangan natin gumawa ng aksyon bago mahuli ang lahat. Hindi pa natin matukoy ang kanilang plano sa mga lagusang ginagawa nila.

Capt. Clara: Sinimulan nyo na ang misyon na yan kaya kayo parin ang ilalagay ko sa susunod nyong misyon. Ang dakpin ang mga traydor sa ating organisasyon!

Nena: Pero kailangan ko po ng oras para maibalik ang nilalang na to sa kanilang mundo.

Capt. Clara: May i-aasign ako sa misyong iyan. Magfocus kayo sa grupo nila Ian.

To be continued... Basahin ang kasunod

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Nena Ang Spirit Detective 24

Nena Ang Spirit Detective 20