Nena Ang Spirit Detective 22

Continuation...
"Ang Misteryosong Mga Lagusan"
By: @pinoycreator

Nagsimula na sila Nena sa kanilang misyon na hanapin ang nawawalang spirit detective na si Ian. Pinuntahan nila ang mga lugar na pinupuntahan nila ng dating partner ni Ian na si Rudy. Ganun parin. Wala parin silang makitang bakas at clue kung saan napunta si Ian. Nag-research sila sa opisina ng organisasyon kinabukasan.

Rudy: Nakapunta ka na ba dito?
Nena: Hindi pa po.
Rudy: Dito nakatambak ang mga nareretrieve ng mga spirit detectives na pwedeng makapag-link sa mga kaso.

Dito din ako madalas mag-research noon. Tingnan natin ngayon kung may makita tayong clue.

Nilibot nila ang mga bagay pero tila parang wala ring bakas na pwedeng mag-link sa kaso. Pumasok ang isang Rank B spirit detective na si Marjorie para mag-search din.

Marjorie: Hi.
Nena: Hi.
Marjorie: Ahhh.. may dineposit kayong item or may hinahanap kayo?
Nena: Naghahanap kami ng hints na pwedeng makapagbigay information sa kinaroroonan ni Ian Maxwell.

Marjorie: Wow! Goodluck sa inyo teh. Magdedeposit ako ng picture sa dito ngayon.
Nena: Picture?
Marjorie: Mahilig kasi ako mag-selfie. Pinipicturan ko lang mga natatalo kong mga multo, halimaw at mga kakaibang nilalang.
Nena: Okay. Pwede patingin?

Inopen ni Marjorie ang kanyang cellphone at pinakita ang selfie nya na may halimaw sa likod nya.

Nena: Wow! Ibang klase ang halimaw na yan ah.
Marjorie: District 64, warehouse. Ang halimaw na to ay kakaiba sa lahat. Di pa rin matunton kung saang lagusan nanggaling ang halimaw na to. Kaya malaking bagay to sa mga researchers.
Nena: Okay. Pwede ko ba makita ang iba mo pang mga pics?

Pinakita ni Marjorie ang mga pics ng mga halimaw at kakaibang nilalang na tinalo nya.

Marjorie: Mga ganitong klase ng kalaban ang hinahanap ko kaya mga ganitong misyon ang gusto ko.

Rudy: Nena, halika dito.
Nena: Ano yun to?
Rudy: Tingnan mo tong video na to.

Pinanood nila Rudy, Nena at Marjorie ang video ng isang halimaw na lumabas sa isang lagusan. Bigla nalang may pumatay sa kumukuha ng video.

Researcher: Ang video na yan ay galing sa malaking server ng isang sikat na social networking website. Yan ay isang live watch party video na hinost ng isang security guard sa isang maliit na museum. Di kami nagkaroon ng pagkakataon na makausap ang security guard dahil agad itong pinatay ng di pa kilalang nilalang.

Nena: Saan kaya nanggaling ang lagusan?
Marjorie: Yan ang pinag-aaralan ngayon ng mga researcher. Napansin nila na ang mga iyan ay pinag-eeksperementuhan ng mga gumagawa ng lagusan.
Researcher: Tama yan. May mga sinend din si Detective Marjorie na mga larawan ng mga kakaibang nilalang na wala nang buhay. Marahil ay di matagumpay ang kanilang pag-opera sa nilalang at hindi naka-adopt sa ating atmosphere.

Researcher: Hinala namin ay ang mga nilalang na dinadala nila dito ay balak nilang gamitin bilang isang sandata at tauhan para sa kanilang kapakanan.

Marjorie: Habang tumatagal ay unti-unting lumalakas ang mga kakaibang nilalang na nakakalaban ko.

Nena: Tito Rudy, paano naman kaya ito magiging konektado sa kaso natin ngayon?

Rudy: (Napangiti dahil tinawag din syang Tito ni Nena) Ang natatandaan kong huling misyon ni Ian ay ang hanapin ang lagusan at sino ang sangkot sa pag-gawa ng lagusan. Kaya ito ang isang malaking link sa kaso na tinatrabaho natin ngayon.

Nena: Okay po. Saan po ang location ng video?
Researcher: District 39, Birangan City. Ang videong yan ay nakuhanan nung isang linggo lang, kaya ang mga gumagawa ng lagusan ay nasa syudad lamang.

Nena: Okay. At ang huling kakaibang nilalang ay nakita sa district 64. Dapat siguro tayong mag-matyag sa areang yun, tito Rudy?

Rudy: Tama ka dyan. Pero dapat lagi tayong handa. I-ready mo ang mga armas mo Nena. Magmamatyag tayo sa lugar. Maaring nasa kabilang lugar ng lagusan si Ian. At ang hinala ko ay dinukot sya ng mga gumagawa ng mga ito. Sana lang ay maayos ang kalagayan ng dati kong partner. Kailangan nating pag-panggap na civilian.

Nena: Gosh... Parang kinakabahan ako pumasok sa lagusan. Pero sige po, pasukin natin ang dapat pasukin para kay sir Ian at para sa misyon na ito.

Marjorie: Handa rin ako tumulong, in case na may update sa bagong halimaw na makita ng headquarters. Inform ko kayo kagad. Bigay ko sa inyo number ko.

Nagbigayan ng numbers ang tatlong spirit detective.

Naghiwa-hiwalay na ang tatlo. Si Nena at Rudy ay nag-prepare na para sa pag-mamatyag sa mga distrito. Kinagabihan ay nag-text si Rudy kay Nena.

Rudy: At 1900 hours briefing sa shop ni Antonio. "Blessings Ni Tonyo" District 22, Malunggay Street.
Nena: Copy, to.

Sinearch ni Nena ang "Blessings Ni Tonyo" sa isang rent a car app at ito ay lumabas mga ilang kilometro mula sa Condo Unit ni Nena. Nag-book sya ng car 30 minutes bago ang call time nila at siya ay nakarating 10 minutes na maaga.

Nakita ni Nena ang namumukaan nyang kakilala na nagbabantay ng shop. At nandun narin si Rudy. Paglapit nya ay si Tonyo pala ang nasa shop. Dala ni Nena sa kanyang bag ang kanyang armas at ammunition nito. Si Ming naman ay naiwan sa condo.

Nena: Tonyo?
Tonyo: Oh Nena?
Tonyo: Ahh Eto nga pala ang shop ko. Kamusta pala?
Nena: Eto busy. Wow, ikaw pala ang binabanggit ni Tito Rudy?
Rudy: Magkakilala pala kayo? (Inaayos ang mga botelya ng medisina nya)
Tonyo: Tito Rudy? (Napatingin si Rudy kay Tonyo)
Nena: Oo. Tito ko yan. Hehe.
Rudy: Haha!
Nena: De, joke lang. Tito lang gusto ko itawag, bakit ba.
Tonyo: Ah, Okay. Bat ka nga pala napabisita dito sa shop?
(Rudy tumingin kay Nena)
Nena: May misyon kami ni Tito Rudy.
Tonyo: Huuwaaaat?? Teka ano ba work mo?
Nena: Mangkukulam ako hahahaha!
Rudy: Hahahahaha!
Tonyo: Hahahaha! Weh? Di nga?
Nena: Hahaha! Sa headquarters ako nagwowork.
Tonyo: Aaaah. Okay. Ano ka dun?
Nena: Spirit Detective din gaya ni tito Rudy.
Tonyo: Wow, nice! Kaya pala panay ang jogging mo.
Nena: Yup! Dapat stay healthy and fit.
Rudy: Tsaa muna tayo.
Tonyo: Sige, sige. Tamang-tama matitikman nyo tsaa ko. Close ko na din ang shop.

Nag-tsaa ang tatlo sa shop ni Tonyo at nag-briefing nadin sila Rudy at Nena.

To be continued... Basahin ang kasunod

Comments

Popular posts from this blog

Nena Ang Spirit Detective 19

Nena ang spirit detective 8