Nena Ang Spirit Detective 21

Continuation...
"Ang Rank A Promotion Ni Nena"
By: @pinoycreator

Kinabukasan matapos ang successful na plano ni Nena ay pumutok ang balita. Mabilis na umepekto ang Judgement Curse Spell ni Nena kay Don De La Cruz. Marami ang nagulat sa mga nangyari.

Dahil sa matagumpay nyang misyon ay tumaas na ang ranggo ni Nena bilang isang spirit detective. Si Nena ay isa na ngayong Rank A spirit detective kung saan mas mahirap na ang mga misyon na pwede nyang trabahuhin. Naisyuhan si Nena ng isang eternal bullet bilang isang reward sa pagtungtong nya sa Rank A. Nakolekta rin ni Nena ang kanyang reward na 150,000 pesos sa matagumpay nyang misyon sa abandonadong hotel.

Bumili si Nena ng mga bala para sa kanyang spirit gun pati bago at mas matibay na cellphone. Bumalik din sya sa Spirit World Research and Development para malaman ang resulta ng kanilang pag-aaral sa mahiwagang tela. Napag-alaman ng mga researcher na ang tela ay may kakayanang itago ang spirit at energy-based powers ng isang nilalang kapag suot ito. Maari syang magkaroon ng stealth ability kapag suot ang telang iyon kaya naman inalok nila si Nena na gawing stealth detective's coat ang mahiwagang tela sa halagang 24,000 pesos.

Excited si Nena sa mga misyon na pwede nyang puntahan. Kaya naman tuloy-tuloy ang kanyang ensayo at aral sa libro ng kaalaman para mas lumawak at mapalakas nya ang kanyang mga skill. Matagal na pinangarap ni Nena na tumaas ang kanyang ranggo sa A. May espesyal na misyon sya na hinahanap at sa wakas ay nakita nya na rin.

Inaral nyang mabuti ang misyon na tatahakin nya dahil matagal na panahon ang kanyang inantay para sa espesyal na misyon na ito. Ang misyon ay ang hanapin ang nawawalang spirit detective na si Ian Maxwell. Si Ian ay isang Rank A spirit detective bago sya nawala. Malaki ang kanyang naitulong sa organisasyon dahil sa kanyang natatanging abilidad. Isa sya sa mga pinakahinahangaang spirit detective.

Nang si Ian ay sumabak sa isang misyon, sya ay hindi na nakabalik. Sinubukang hanapin ng mga iba pang detectives si Ian pero sila ay bigo. Matagal na panahon na ang lumipas at lahat ay nawawalan na ng pag-asa, maliban kay Nena na naniniwala na sya ay buhay pa. Kaya naman sinikap ni Nena na makatungtong sa Rank A para sa misyon na ito.

Dalawang Spirit Detective ang kailangan para sa misyong ito kaya kailangang mag-hanap ni Nena ng kanyang magiging partner sa misyong ito. Naghanap sya ng mga spirit detectives na available at agad naman syang nakakita ng kagaya nyang nasa Rank A din. Chinat nya ang spirit detective.

Chat:
Nena: Hi. I'm Nena, newly promoted in Rank A po. Available po kayo for mission?
SD Rank A: Anong mission ba yan?
Nena: Send ko po ang link.
SD Rank A: Okay.
Nena: Sent na po.
SD Rank A: Sige check ko.

Nag-antay si Nena ng reply sa SD Rank A na ka-chat nya. Habang inaantay ni Nena ang reply, pinakain nya ang naglalambing nyang alagang si Ming ng paborito nitong isda. Ilang saglit lang tumunog ang kanyang cellphone.

Chat:
SD Rank A: Pass.
Nena: Okay po.

Nag-search ulit si Nena ng Spirit Detective at may nakita ulit siyang isa pa. "Pass" din ang pangalawa nyang naka-chat.

Nena: Haist. Bakit pass nanaman? Kung pwede lang ako mag-isa eh. Okay search nga ako ulit.

Nag-search muli si Nena at may nakita syang ka-chat.

Chat:
Nena: Hi. Baka po interested kayo mag-join sa mission?
SD Rank A 3rd: Anong mission?
Nena: Send ko po link.
SD Rank A 3rd: Ok

Nag-antay ulit si Nena ng reply. Biglang nagreply ang ka-chat nya.

SD Rank A 3rd: Nag-failed na ko sa misyon na yan. Pero interested ako jan.
Nena: Okay pwede po ba kayo mag-try ulit?
SD Rank A 3rd: Sige. Dati kasi solo lang tong mission na to, ngayon required na dalawa na. Try natin.
Nena: Sige po thank you ng marami! 😃
Nena: Accept ko na po ha?
SD Rank A 3rd: Ok
SD Rank A 3rd: Briefing tayo bukas sa Foodie Mix.
Nena: Okay po. What time?
SD Rank A 3rd: 12nn
Nena: Sige po.

Nag-meet up si Nena at ang naka-chat nya sa Foodie Mix, isang unlimited grill your own style na restaurant ng 12nn. Maaga nakarating si Nena ng 15 minutes. 12:05pm naman nakarating ang SD Rank A na nakachat nya. Ang ka meet-up nya ay isang middle-aged man na matipuno at malaki ang pangangatawan at medyo balbas sarado.

Nena: Hi! Helena Thomas Rank A, S.D.O. Division 33 po.
SD Rank A: Rudy Murphy Rank A, S.D.O. Division 9.

Naupo ang dalawa at nag-order ng kanilang unlimited platter.

Nena: Bakit nga po pala kayo nag-failed sa mission kuya Rudy?
Rudy: Matagal na panahon na eh yang si Ian ay nakakasama ko sa mga misyon. Nung nawala sya e nalungkot ako kasi marami kaming misyon na tinapos nyang noon. Magaling yung bata na yun. Napakatalinong bata. Hehe Naaalala ko nga e ang tawag nya sakin e Tito Rudy. Para talaga kaming mag-tyuhin nyan.
Rudy: Bigo ako. Wala akong mahanap na bakas nya. Kaya interesado rin ako baka sakali mahanap natin sya.

Rudy: Ikaw ba iha bat gusto mo tong misyon na to?

Nag-blush si Nena.

Nena: Ah... Kasi po... Ahhhhh..
Nena: Idol ko po si sir Ian.
Rudy: Ah ganun ba? Alam mo marami talagang humahanga dyan kay Ian.

Parang nagalit at nagselos ang reaksyon ni Nena.

Nena: Wala lang po. Gusto ko lang din po i-try tong misyon na to.
Rudy: Sige. Maiba nga tayo. Ano bang mga talento mo?
Nena: Spirit Ranger, Dimensiyon shifting, Basic Mind Power skills at Basic Spirit Fusion po.
Rudy: Ayos din pala at marami kang alam. Alam mo si Ian magaling din sa Dimensiyon shifting iyon. May tyansa din tayo mag-success sa misyong ito.

Rudy: Ako naman e matibay ang pangangatawan ko. Kaya ko ang spirit energy channeling para patibayin lalo ang katawan ko. Paborito ko talaga ang mano-manong bakbakan. Mahilig din ako mag-improvise ng mga pampasabog. Pati may konti akong alam sa medisina gawa ng tinuturuan ako ni Antonio pag bumibisita ako sa shop nya.

Nena: Antonio?
Rudy: Oo magaling sa medisina yung batang yun.
Nena: Ahh.. Okay po.
Rudy: Bali ang una nating gagawin ay mag-research ng mag-research, field works kapag may makita tayong mga clue.
Nena: Sige po.
Rudy: In case na may bakbakan ako ang initiator. Doble ingat dahil sa Rank na to. Di basta-basta ang mga pwede nating makalaban, kaya nila nilagay ang misyon na to sa Rank A. Malakas talaga kutob ko na buhay pa ang dati kong partner na si Ian.
Nena: Ako rin po.

Kumain na ang dalawa at magsisimula na sila sa kanilang misyon.

To be continued...

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Nena Ang Spirit Detective 24

Nena ang spirit detective 13