Nena Ang Spirit Detective 18

Continuation...
"Ang maitim na sikreto"
By: @pinoycreator

Nagpumiglas ang black lady sa hypnosis spell cast ni Nena. Pilit nitong nilalabanan ang spell pero nagpakawala pa si Nena ng mas maraming energy para mas lumakas ang pinataw nyang spell sa black lady. Ilang saglit pa ay tuluyan nang nakontrol ni Nena ang black lady. Tumingin ang black lady sa mga mata ni Nena at ito ay handa nang sumunod sa command ni Nena.

Nena: Anong pangalan mo?
Black lady: Mary Anne Angeles po.
Nena: Ikwento mo ang dahilan kung bakit ka nandito ngayon.
Black lady: Ok naman po ang buhay ko noon. Simula po nung nagtrabaho ako sa golf course bilang assistant ng mga golfers, nagbago po ang lahat.

Black lady: Si Don George De La Cruz po ang naging regular guest ko. Sobrang yaman po niya at sobrang makapangyarihan. Nagmamay-ari po siya ng maraming lupain. Malaki po ang naitulong niya sa akin dahil po malaki po siya magbigay ng pera tuwing inaassist ko siya sa twing nag-gogolf siya.

Black lady: Nung tumagal po ay niyayaya na niya ako sa labas. Lagi ko naman po siya tinatanggihan dahil di po ako ganong klaseng babae na kagaya ng iniisip niya. Kahit po alam ko na magiging madali ang pera kapag pumayag ako sa alok niya, di ko parin po tinanggap dahil marangal na trabaho po ang gusto ko.

Black lady: May pamilya po siya at ayokong makasira ng pamilya kaya lagi po akong tumatanggi. Hanggang sa na-obsess po siya sa akin.

Napaiyak bigla ang black lady habang nagkukwento.

Black lady: Sa.. pilitan.. po nila ako di.. dinala sa hotel na.. to... Ni-rape ako ni Don George De La Cruz!

Tumigil sa pagkukwento ang black lady at umiyak nalang. Niyakap ni Nena ang black lady.

Nena: Okay na.. Okay na bebe.. Nandito na si ate Nena. Ako na ang bahala sa lahat. Ako ang magbibigay ng hustisya sa pagkamatay mo. Ituro mo sa akin ang location ng katawan mo.

Black lady: Nasa pinakailalim po ng building na to. Sundan nyo lang po ang mga hibla ng buhok ko.

Naglabas si Nena ng pulang papel at ipinakita sa black lady.

Nena: Ang kasamaan na idinulot sa espirito mo ay babalik sa taong lumikha nito. Sa papel na to ilalagay ko ang kasamaan na dumungis sa kaluluwa mo at ikaw ay magiging malaya sa pagiging isang masamang espirito. Makakapaglakbay ka na sa Dimensiyon na yong nais puntahan.

Nena: JUDGEMENT CURSE ACTIVATION!

Ang paligid ni Nena at ng black lady ay napaligiran ng pula at itim na kulay matapos paganahin ni Nena ang judgement curse spell na isa sa mga naaral nya sa libro ng kaalaman. Unti-unting hinigop ng pula papel ang nagbibitak-bitak na kulay itim sa black lady hanggang sa ito ay bumalik sa normal na anyo ng espirito ng babae.

Kasabay ng paghigop sa itim na kulay ay ang pag-deactivate ni Nena sa hypnosis spell niya sa espirito.

Espirito: Ano pong nangyari? Sino po kayo?
Nena: Ako ang sundo mo. Isipin mo yung pinakamasayang parte ng buhay mo.
Espirito: Hmmm... Sige po.

Inilapat ni Nena ang kanyang palad sa noo ng espirito at sa isip niya, nagbigay ng command sa kanyang astral amulet.

Nena: Astral amulet, dalhin mo kami sa lugar na iniisip ng espiritong ito.

Naglakbay si Nena at ang espirito patungo sa ibang Dimensiyon. Ilang saglit pa ay nakarating sila sa isang napakagandang garden. Pagmulat ng mata ni Nena ay namangha siya sa kagandahan ng mga bulaklak at halaman sa paligid. Ang mga paro-paro ay nagliliparan ng malaya sa paligid. Maraming namamasyal sa paligid. Napangiti si Nena habang tinitingnan ang nakapikit na inosente at napakagandang espirito ni Mary Anne.

Nasa isip ni Nena na magiging maligaya na rin sa wakas ang espirito. Napakatagal na panahon ang ipinagkait sa inosenteng dalagang espirito nang ito ay matrap sa pagiging isang masamang espirito.

Nena: Pwede mo nang idilat ang mata mo.
Espirito: Woooooow! Ang galing!

Tumakbo bigla ang espirito kung saan naroon ang pamilya nito. Agad siyang niyakap ng mga magulang at mga kapatid nito.

Lumakad si Nena kung nasaan ang pamilya ni Mary Anne. Napaluha si Nena sa tuwa nung makita niya na sobrang saya ng espirito. Pagtingin ng espirito kay Nena ay kumaway ito at ngumiti. Ngumiti at kumaway din si Nena pabalik. Mga ilang minuto niyang pinagmasdan ang pamilya bago siya tumalikod at lumakad palayo sa mga ito.

Habang naglalakad si Nena ay biglang naging seryoso ang kanyang mukha.

Nena: Humanda ka sakin Don George De La Cruz! Ibabalik ko sayo ang hirap at pasakit na idinulot mo kay Mary Anne.

Nilapat ni Nena ang kanyang kanang palad at bumukas ang lagusan ng Dimensiyon. Pagbalik ni Nena sa Mundo ng tao, sinundan nya ang mga buhok gaya ng sinabi ng espirito hanggang sa makarating siya sa pinakailalim na parte ng building. Nalaman niya ang kinaroroonan ng bangkay, kaya naman tumawag kaagad siya ng mga authorities para hukayin ang bangkay at mabigyan ng maayos na libingan ng kanyang pamilya.

To be continued... Basahin ang kasunod

Comments

Popular posts from this blog

Nena Ang Spirit Detective 19

Nena ang spirit detective 8