Nena Ang Spirit Detective 17

Continuation...
"Ang Masamang Espirito"
By: @pinoycreator

Habang padating pa ang dalawang nilalang papalapit kay Nena, nilagay niya muna ang kanyang spirit gun sa magnetic holder nito at inilapat niya ang kanyang mga palad sa mga papalapit na nilalang. Muli siyang gagamit ng cursing spell sa mga ito, naisipan niya na paglabanin ang dalawa para magkaron siya ng oras na mag-reload ng kanyang baril. Mabilis ang dalawa kaya nagmadali din siya na magisip ng command.

Nena: BRUHA KA DAW SABI NIYA!

Umipekto ang spell at ang dalawa ay naglaban. Muli, may isa pa at huling nilalang na lumabas mula sa bukas na wall sa may second floor. Agad na nireload ni Nena ang kanyang spirit gun at inasinta ng mabuti ang huling papalapit na nilalang. Pinaputukan niya ito at ito ay tinamaan sa katawan. Ito ay gumagalaw pa kaya muli niya itong pinaputukan at ito ay nawasak na.

Habang ang dalawang under sa spell niya ay naglalaban, ginamitan niya ito ng kanyang spirit gun at ang mga ito ay nawasak matapos makatanggap ng tig-dalawang bala ng mataas na kalibre ng spirit gun ni Nena.

Nena: Huuuhh! Challenging tong mga alipores na to ha. Ngayon oras na para sa boss nila. Humanda ka sakin.

Lumakad si Nena palapit sa may veranda ng lobby para silipin ang Nagbagong anyo na white lady. Nagulat siya dahil nawala kung saan nakatayo ang halimaw.

Nena: Luh!? San kaya nagpunta yun.

Pinalawak ni Nena ang kanyang spirit sensory pero bigo siyang hanapin ang lokasyon ng halimaw.

Nena: Magaling, magaling. Kaya niyang itago ang lokasyon niya. Nasa level ko ang kalaban. Dapat mag-ingat.

Pinakiramdaman niya ang paligid at bigla nalang lumitaw ang nagbagong anyong white lady sa kanyang likuran. Agad naramdaman ni Nena ang naglalagablab sa galit ng halimaw at agad siyang umiwas paharap at agad niya ring pinutukan ng spirit gun ito pero bigla itong nawala kaya di niya ito natamaan.

Biglang may patusok na bagay na yari sa makapal na buhok ang white lady ang bumulusok mula sa kanyang harapan at agad niya itong iniwasan pakanan, nadaplisan ang kanyang buhok. Agad siyang tumakbo palayo at nagtago sa may pader.

Nena: Aba naman! Wag naman ang buhok ko! Kainis naman di ko siya machempohan. Baka nasa likod nanaman yun.

Pag lingon ni Nena sa likod ay biglang lumitaw ang halimaw. Umatake ito gamit ang matutulis nitong buhok at agad iniwasan ni Nena ang mga pagatake. Ang mga matulis na buhok ay bumabaon sa lupa kada atake pagiwas ni Nena sa mga iyon. Di magawa ni Nenang bumawi ng baril dahil sunod-sunod ang pagatake ng halimaw at puro iwas ang ginawa niya.

Tumakbo palayo si Nena. Habang tumatakbo ay mabilis niyang naisip na gamitan ang halimaw ng spirit trap gun niya. Inilagay ni Nena ang kanyang spirit gun sa magnetic holder nito at kinuha ang kanyang spirit trap gun habang siya ay tumatakbo.

Binilisan niya ang takbo at pumasok siya sa isang hallway ng second floor. Gumulong siya paharap at basta nalang ipinutok ang kanyang spirit trap gun pagtutok niya sa direksyon kung san siya galing. Naisip niya na baka nakasunod sa kanya ang halimaw kaya ginawa niya iyon.

Tama ang kanyang hinala at tumama ang bala ng kanyang spirit trap gun sa halimaw. Bigla naman iyong naglabas ng kulay pulang parang net at pumalupot sa halimaw. Na-trap niya ang halimaw.

Halimaw: WWWRRRRAAAAHHH!!!!

Galit na galit na nagpumiglas ang halimaw sa loob ng spirit trap ni Nena.

Nena: Haha! Huli ka balbon! Sabi ko na eh, isa ka lang sa mga stalker ko. Tikman mo ngayon tong bagong upgrade kong spirit gun!

BANG! Pinaputukan ni Nena ang halimaw ng spirit gun niya at ito ay napaatras habang nasa loob ng spirit trap. Lalo itong nagalit.

Halimaw: WWRRAAHHH!
Nena: Ano masakit? Eto pa!

BANG! BANG! Malalakas na tunog ng mataas na kalibre ng spirit gun ni Nena. Ang halimaw ay bumagsak sa sahig habang ito an natrap sa spirit trap ni Nena. Nagpumilit uling bumangon ang halimaw pero ito ang bumagsak uli dahil sa damage na naidulot ng spirit gun ni Nena.

Tumakbo kaagad si Nena palapit sa halimaw at agad nyang inilapat ang palad sa may ulo nito.

Nena: Astral Amulet dalhin mo ko sa kinaroroonan ng espirito ng halimaw na ito.

Lumiwanag ang amulet ni Nena at bigla syang naglakbay patungo sa Dimensiyon na kinaroroonan ng masamang espirito. Madilim ang kapaligiran, senyales na nilamon na ang espirito ng kadiliman dahilan sa kawalan ng hustisya sa pagkamatay nito.

Black Lady: Bakit ka ba nakekelam?
Nena: Trabaho lang. Spirit detective ako at eto ang misyon ko ngayon, ang hustisya para sa espirito mo.
Black lady: Hahahaha! Alam mo ba ang sinasabi mo?
Nena: Technically, yes. Kaya kitang dalhin sa ibang dimensiyon para makapaghiganti ka. Kaya kakailanganin ko ang kooperasyon mo. Sino ang may gawa sayo nito?
Black Lady: ...
Nena: Kailangan ko ang kooperasyon mo, makinig ka sakin at magtiwala kaya kong patahimikin ang kaluluwa mo.

Naglakad ang black lady palayo at sabay tawa ng malakas.

Black lady: HAHAHAHAHA!!! Edi hulaan mo. Sabi ko sayo, wala ka nang magagawa. Isa na akong masamang espirito. Lalong lumalakas ang kapangyarihan ko kapag nakakapatay ng masasamang nilalang.

Nena: Haaay na ko, ayaw mo talaga maniwala sakin noh?
Black lady: Alam mo ba na nasa teritoryo kita? Kaya kitang tapusin dito at lamunin ang kaluluwa mo!
Nena: Pasensya ka na pero eto nalang ang nakikita kong solusyon para maki-cooperate ka sakin.

Inilapat ni Nena ang kanyang kanang palad sa may ulo ng black lady. Pagharap nito sa kanya ay nag-send si Nena ng mga vibrations, nagpakawala siya ng hypnosis spell sa black lady.

To be continued... Basahin ang kasunod

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Nena Ang Spirit Detective 19

Nena Ang Spirit Detective 20