Nena Ang Spirit Detective 15

Continuation...
"Ang Haunted Building Mission"
By: @pinoycreator

Hawak na ni Nena ang libro at gusto na niya itong basahin.

Nena: Yey! Nasakin narin ang libro! Excited na talaga ako.

Makapal ang cover ng libro at ibang-iba sa ordinaryong libro. Gaya ng sinabi ni Bill iba ang lengwahe at letra ng libro.

Nena: Okay. (Huminga ng malalim) Game.

Nagconcentrate si Nena at ipinikit niya ang kanyang mata. Pagdilat niya ay ini-activate na niya ang kanyang Dimensiyon eyes. Nagtaka siya dahil walang nakasulat sa libro. Binaliktad niya sa harap ang libro at nabasa niya "Knowledge Is Power"

Nena: Wow! Amazing. Pagbukas niya sa libro ay mas lalo siyang namangha dahil tila buhay ang mga salita at bawat letra ng libro. Isang pala itong guide para i-unlock mo ang mga natatago mong talento. Pumasok sa isip ni Nena ay ang kanyang Dimensiyon shifting abilities.

Nalaman ni Nena ang proseso ng spirit fusion at naunawaan niya na rin kung paano ang proseso para mabalanse niya ang spirit fusion at kung paano rin gawing dominante ang isang espirito. Nagkaron din si Nena ng interes sa Mind power abilities para magawa niyang kausapin ang mga espirito mula sa ibang dimensiyon. Hipnotismo at cursing ay madali niya ring naunawaan.

Basic energy consumption, regen ay kanya ring inaral para mas tumagal siya sa labanan. Kusang dumadagdag ang energy capacity ng isang nilalang sa kanyang experience at ehersisyo. Mga ilang araw niyang inaral ang libro hanggang sa magamay niya kung paano gamitin ang mga bagong skills na natutunan niya.

Dahil sa mga napag-aralan ni Nena sa libro, excited na siya para i-accept ang isang misyon na magpapataas sa kanyang ranggo. Chinat niya si Bill at pinasalamatan niya ito ng sobra. In-accept din ni Nena ang misyon na nais niyang puntahan. Naimbitahan siya sa interview at mission briefing sa misyon na tatahakin niya.

Ang susunod na misyon ni Nena ay ang abandonadong building na nabili ng isang negosyante sa mababang halaga dahil ito daw ay pinamumugaran ng masasamang espirito. Ito ay hotel style at marami nang renovation ang ginawa ng dating may-ari nito pero hindi parin natigil ang pambubulabog ng masasamang espirito. Marami naring nasawi sa nasabing building at misteryo ang pagkakamatay ng mga ito.

Dahil dito ay nagpasyang ibenta ng dating may ari nito sa mababang halaga ang building. Ilang taon din ang lumipas at nabili narin ang building ng negosyanteng kliyente ngayon ni Nena. Nagkasundo sila Nena sa halagang 150,000 pesos na reward para sa katahimikan ng building bago ito magbukas muli.

Nung una ay hindi naniniwala si Mr. Lee na siyang nakabili ng building sa mga sabi-sabi tungkol sa masasamang espirito. Pero nang nakita niya ang mga cctv footage sa mga kababalaghang nangyayari ay tumibay ang kanyang kagustuhan na patahimikin ang nabiling building.

Nagresearch si Nena sa internet tungkol sa nasabing building. Napagalaman niya na walo ang namatay na hindi masabi kung paano nangyari ang pagpaslang. Walang records sa cctv ang pagkasawi ng mga iyon. Lahat ng nasawi ay mga kalalakihan. Tanging mga buhok ng hindi makilalang DNA ang nasa paligid ng mga nasawi.

Hinanda ni Nena ang kanyang mga gamit para sa kanyang misyon. Nagjogging siya nung hapon na yun at nagpahinga. Alas diyes ng gabi papaalis na si Nena para mag-imbestiga sa building.

Ming: Meoow..
Nena: Aaaayy. Sweet naman ng baby ko. Gusto mong sumama sa misyon ni mommy?
Ming: Meow.. (Niyakap ni Nena si Ming)
Nena: Dito ka nalang muna sa bahay ha. Bantayan mo ang bahay natin, ok?
Ming: ...

Iniwan na ni Nena ang kanyang alagang si Ming. Habang nasa reception siya ay nagbook siya ng rider para puntahan ang nasabing lugar. Ang drop off point ay hindi sa mismong building. Tinawag siya ng reception ng condo na si Mark.

Mark: Hi, Ms. Nena. Work time?
Nena: Yes.
Mark: May parcel po kayo galing kay Sir Tonyo.
Nena: Okay sige balikan ko nalang yan.
Mark: Okay mam. Have a good night!
Nena: Okay. You too.

Nilakad ni Nena mula drop off point niya hanggang sa nasabing gusali. Nakita niya kagad na may white lady sa taas ng mababang palapag ng building. Sibukan ni Nena ang kanyang Mind Power ability para kausapin ang white lang. Nagbago ang kulay ng mata ni Nena at kumalat ang vibrational frequncies sa paligid. Napatingin ang white lady kay Nena.

White lady: Isang babae?? Anong ginagawa ng isang babaeng katulad niyo sa gusaling ito?? (Narinig ni nena ang sinabi ng white lady sa pamamagitang ng frequncies)
Nena: Ehem... Nandito ako para sayo.
White lady: huhh??? Naririnig niya ako?
Nena: Oo.. nandito ako para sayo. Para sagipin ka sa siteasyon mo ngaun. (Napangiti ang white lady)
White lady: Hm... Walang makakasagip sakin. Nilamon na ko ng kadiliman at wala ka nang magagawa.
Nena: Nagkakamali ka dyan. Kaya kitang sagipin.
White lady: ... Umalis ka na.
Nena: Hindi ako aalis hanggat hindi natatahimik ang kaluluwa mo.
White lady: ...

Tumalikod ang white lady at pumasok sa loob ng gusali.

To be continued... Basahin ang kasunod

Comments

Popular posts from this blog

Nena Ang Spirit Detective 19

Nena ang spirit detective 8