Nena ang spirit detective 12


Continuation...

"Ang Halimaw Sa Bundok"
By: @pinoycreator

Nagpatuloy ang paglalakbay ni Nena patungo sa hindi niya alam na Dimensiyon. At ilang saglit pa ay nagliwanag ang kanyang paningin. Unti-unting nagdilim ang paningin ni Nena at nakita niya ang kalangitan na kagaya ng nakita niya bago siya pumanaw. Si Nena ay bumalik sa Dimensiyon ng mga buhay na tao at bigla siyang napahabol ng kanyang hininga.

Ang paningin ni Nena ay biglang naging agresibo. Bumangon bigla ang kanyang katawan pero hindi niya ma-control ang kanyang sarili. Nag-lagutukan ang kanyang mga buto na tila ibinabalik sa tama nitong anyo. Ang kulay ng kanyang buhok ay naging itim at ang mga mata niya ay nagbago na kagaya sa isang pusa.

Nagpatuloy ang paglagutok ng kanyang mga buto habang mabilis na tumitibok ang kanyang puso. Maya-maya ay naging maayos ang kanyang pakiramdam at pati ang tibok ng kanyang puso pero hindi niya ma-kontrol ang kanyang katawan. Tila may ibang nilalang na nag-kokontrol sa kanyang katawan. Sinubukan niyang igalaw ang kanyang kamay at ito ay gumalaw ng bahagya. Hindi niya magawang kontrolin ang sarili niyang katawan.

Nakakapagsalita lang siya sa kanyang isip.

Nena: "Ano to? Anong nangyayari sakin?"

Biglang may sumabog na tipak ng mga bato at lupa mula sa itaas na bahagi ng bundok sa kabilang kalsada. Biglang naging alerto ang pakiramdam ni Nena at kusang kumilos ang kanyang katawan. Pagtingin niya sa taas ng bundok ay may lumabas na halimaw na may katawan ng pinaghalong lupa at mga kahoy.

Halimaw: WWRRRAAAAAHHHH!!!

Galit na galit ang halimaw at ito ay nagbato ng malaking bago kung saan naroon si Nena. Mabilis ang pagresponde ng katawan ni Nena at agad itong tumakbo pakanan para iwasan ang bato. Dali-daling tumakbo ang katawan ni Nena at siya ay namangha sa kilos ng kanyang katawan. Napakabilis at napakagaan ng kanyang katawan. Agad itong tumawid sa kalsada at umakyat sa puno. Nagtatalon si Nena sa mga puno paakyat kung nasaan ang halimaw.

Nararamdaman ni Nena ang lokasyon ng halimaw at bawat kilos nito sa pamamagitan ng mga vibrations. Malakas ang pakiramdam niya sa vibrations. Naramdaman niya bigla na nag-release ng maraming enerhiya ang halimaw at ito ay mabilis na nag-vibrate papalapit sa kanya. Agad siyang nagtatalon sa mga punto papataas at biglang rumagasa ang malaking bato na humawi sa mga puno at ito ay matagumpay na naiwasan ni Nena.

Ang pakiramdam ni Nena ay nasa isa siyang rides dahil ang bawat galaw na ginagawa ng kanyang katawan ay kontrolado ng ibang nilalang. Nakikita niya lang ang bawat kilos ng kanyang katawan. Naramdaman niya na papalapit sa kanya ang halimaw at ang katawan niya ay dali-daling umakyat pataas ng bundok. Nang siya ay maabutan ng halimaw at nagpakawala ito ng mga hampas gamit ang dambuhala nitong kamay na yari sa lupa at mga kahoy.

Ang bawat atake ay naiwasan ng katawan ni Nena na kung kumilos ay napakabilis at napakalambot ng pilantik nito. "Wwwrrrraaahhh!!" sigaw ng galit na halimaw at ito ay naglabas ng mga patusok na kahoy mula sa lupa. Napansin iyon ni Nena kaya dali-dali ang kanyang pagiwas pataas. Nadaplisan ang paa ni Nena ng isa sa mga imusbong na kahoy. "Wwrreeoooww!!" linikha na boses ng katawan ni Nena. Tila isang pusang galit ang tunog. Naging agresibo bigla si Nena at tumalot ito sa halimaw.

Pinagkakalmot niya ang halimaw at humampas ito ng kamay patungo sa direksyon ni Nena. Agad siyang lumipat ng pwesto sa may likod ng halimaw at pinagkakalmot niya itong muli. Nagalit ang halimaw at sumigaw ito "WWWRRRAAAHHHH!!!" 

Di kayang abutin ng halimaw si Nena sa likuran nito. Lumipat si Nena sa may bandang leeg ng halimaw at lumiwanag ang mga ngipin ni Nena pati ang kanyang mga pangil. Kinagat ng malapusang Nena ang leeg ng halimaw at tumagas palabas ang mga liwanag na tila mga espirito sa leeg ng halimaw. Lumiwanag ang mga mata at bunganga ng halimaw. Unti-unting nagiba ang mga lupa, bato at mga kahoy sa katawan ng dambuhalang halimaw.

Tinigilan ni Nena ang pagkagat sa leeg ng halimaw at siya ay tumalon papalayo sa halimaw. Nagbitak-bitak ang katawan ng halimaw hanggang sa lumiit ang anyo nito habang naglalabasan ang mga na-trap na espirito sa halimaw. Naging isang espirito ang halimaw at ito ay takot na nakatingin kay Nena. Nakatingin lang si Nena sa espirito at di niya parin ma-kontrol ang kanyang sarili. Gusto sanang kausapin ni Nena ang espirito pero di niya magawa. Takot na tumakbo ang espirito patungo sa isang malaking puno at ito ay biglang naglaho.

To be continued... Basahin ang kasunod

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Nena Ang Spirit Detective 24

Nena ang spirit detective 13