Nena Ang Spirit Detective 11

Continuation...
"Ang kapangyarihan ng amulet"
By: @pinoycreator

Nabalot si Nena ng mga itim na tila ahas na walang bibig na nanggaling sa maligno. Nagpumiglas si Nena habang hinihila siyang papalapit ng maligno.

Maligno: "Hahahha. Kita mo na? Sinabi ko naman sayo eh wala ka nang magagawa kundi maging parte ng kapangyarihan ko eh. Ilang saglit nalang at mapapasakin na ang espirito mo. Kahit anong gawin mong pagpupumiglas diyan ay wala ring magagawa!"

Nena: "Ahhh! Di to pwedeng mangyari sakin. Marami pang nangangailangan ng tulong ko. May naghihintay pa sa akin."

Lumaki ang bunganga ng maligno at handa na nitong lamunin ng buo ang espirito ni Nena. Humigpit ang mga nakapalupot kay Nena at hindi na niya magawang magpumiglas. Dahan-dahang hinihila si Nena papalapit. Ngumanga ang maligno at ito ay takam na takam na naglalaway sa espirito ni Nena. Pumalupot narin sa bibig ni Nena ang mga nakapalupot sa katawan niya at siya ay hindi na makapagsalita.

Ipinasok ng maligno ang nakabalot na espirito ni Nena sa kanyang bunganga at nilonok nito ng buo. Maya-maya ay nag-burf ang maligno.

Maligno: "Hahaha! Panibagong lakas nanaman ang napasaakin. Di na talaga mapipigilan ang pagyabong ng aking enerhiya."

Maligno: "Oras na para maghasik ng lagim sa mundo ng mga nabubuhay at gampanan ang aking tungkulin bilang kampon ng kadiliman."

Naglakad ang maligno papalayo. Habang ito ay naglalakad ay tumingin ito sa malayo para simulan ang paggawa ng lagusan patungo sa mga buhay na tao. Bigla itong natigilan ng napansin niya na may parang kakaiba sa kanyang tiyan.

Maligno: "Hah? Ano to? Bakit parang busog na busog ako."

Humilab ang tiyan ng maligno at unti-unti itong lumalaki.

Maligno: "Aaaaahh! Anong nangyayari sakin?!"

Napahiga ang maligno dahil tuloy-tuloy ang paglaki ng tiyan nito. Lumaki ang tiyan nito ng sobra at unti-unting napupunit ang balat nito.

Maligno: "Araaaaaayyy! Masakeeeet!"

Nang tuluyang mapunit ang tiyan ng maligno ay lumabas ang isang dambuhalang itim na bagay na nababalot ng itim na balahibo. Lumabas mula sa ilalim ang ulo nito at ito ay kagaya sa isang dambuhalang pusang itim. Mula din sa ilalim ay inunat nito ang mga kamay at lumabas ang espirito ni Nena na parang kakagising lang.

Nena: " Hah? Ikaw yung nasa haunted house... Ikaw si Ming???

Natatingin ang dambuhalang pusa kay Nena at ito at tumango ng "oo" na tila naiintindihan siya nito.

Nena: "Paano nangyari to? Pano ka nakapunta dito?"

Tumayo ang dambuhalang pusa at ipinakita kay Nena at suot nitong kwintas, ang "amulet of oneness" na isinuot sa kanya ni Nena. Tuwang-tuwa si Nena at niyakap niya ang dambuhalang pusa, ang dambuhalang pusa naman ay tuwang-tuwa rin dahil nakita niyang muli ang kanyang mommy.

Nena: "I love you! Bebe ko! Talagang to the rescue ka para kay kommy ha! Grabe na-amaze talaga ako sa ginawa mo. Ang galing-galing ng bebe ko! Muuwwaahh!"

Lumikha ng tunog ang dambuhalang pusa at naglambing kay Nena. Habang ang dalawa ay tuwang-tuwa sa kanilang muling pagkikita, kumilos ang kalahating katawan ng maligno at ito ay galit na galit.

Maligno: "Hoooyy! Hindi pa tayo tapos! Akala niyo matatakasan niyo ako, hindeeeee!!!"

Agad na naglabasan ang mga itim na parang ahas na walang mata sa katawan ng maligno at tila lumilikha itong muli ng nawalang parte ng katawan. Lumingon ang dambuhalang pusa sa maligno at ito ay dumila ng may pang-asar na mukha. Natawa si Nena sa ginawa ng dambuhalang pusa na si Ming. Naglakad si Nena at ang dambuhalang pusa papalayo sa maligno at pumikit si Ming.

Nagliwanag ang suot ni Ming na "amulet of oneness" at biglang bumukas ang lagusan sa ulo niya.

Nena: "Anooo??? Ang galing mo naman Ming. Bakit alam mo kung paano gamitin ang amulet? Teka, parang gusto mong pumasok ako sa lagusan?"

Tumango ang dambuhalang pusa at dali-daling hinawakan ni Nena ang noo ni Ming. Nagbago ang paligid ni Nena. Naging makulay ang paligid kagaya sa kulay ng bahaghari at ang mga tunog ng paglalakbay ay kanyang narinig.

Nena: "Saan kaya papunta ang lagusan?"

To be continued... Basahin ang kasunod

Comments

  1. My relatives all the time say that I am killing my time
    here at web, however I know I am getting knowledge all the time by reading thes gkod articles or reviews.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Nena Ang Spirit Detective 15

Nena Ang Spirit Detective 4