Nena Ang Spirit Detective 10


Continuation...

"Sa mundo ng mga yumao at ang maligno"
By: @pinoycreator

Lumiwanag ang paningin ni Nena at ang mga tunog ng paglalakbay sa ibang Dimensiyon ay kanyang narinig. Naglakbay ang diwa niya habang ang katawan niya sa Mundo ay pumanaw na. Napunta siya sa outer space at namangha sa kagandahan ng Mundo habang tinitingnan niya ito. Bigla siyang bumulusok pababa ulit sa Mundo, habang siya ay pabagsak ay nagliyab ang kanyang katawan pero hindi niya naramdaman ang init.

Bumagsak ang espirito ni Nena sa isang madilim na kagubatan na halos wala siyang makita kundi ang mga mumunting dahon sa kanyang paligid.

Nena: "Nasaan na ako? Anong bang nangyari sa akin? Ang natatandaan ko ay maayos naman akong nagmamaneho pero bigla nalang akong tumilapon."

Kinapa ni Nena ang kanyang katawan at ang sa palagay niya ay maayos naman ang kalagayan niya. Dahan-dahang naglakad si Nena at umaasa na may makita siyang liwanag. Naalala niya bigla ang kanyang alaga na si Ming.

Nena: "Miiiing? Bebe nasan ka?"

Umalingawngaw ang echo ng kanyang boses at muling nabalot ng katahimikan. Naglakad siya paderetsio habang kinakapa niya ang bawat hakbang na ginagawa niya. Makalipas ang paglalakad niya ay napansin niya na pabalik-balik lang siya sa lugar.

Nena: "Hmmm... Di ko naman ginamit ang aking astral amulet pero bakit parang nasa ibang Dimensiyon ako."

Ipinikit ni Nena ang kanyang mga mata at nag-focus. Matapos ang halos isang minuto, unti-unti niyang idinilat ang kanyang mata. Napansin niya na walang nagbago sa paligid. Kinapa ni Nena ang kanyang Astral Amulet pero nagulat siya nang wala ito sa kanya. Bahagyang nakaramdam ng kaba si Nena.

Nena: "Naku po nasan na ba ako. MIIIIIIIING!!!" (Nag-aalalang sigaw ni Nena)
Nena: "MIIIING!!!!"

Matapos mag-echo ang kanyang boses ay nabalot uli ng katahimikan ang paligid. Napaluhod si Nena at nawawalan na siya ng pag-asa. Tumulo ang kanyang luha at bigla nalang napahagulgol ng iyak.

Nena: "TULOOOONG!!! TULUNGAN NIYO KO!"

Muling nabalot ng katahimikan ang paligid pagkatapos niyang sumigaw ng tulong. Tanging iyak nalang niya ang kanyang naririnig.

Nena: "Natatakot na ako, please naman tulungan niyo ako. Mommy, please tulungan mo ko. Mooommmyyy!!"

Tumungo si Nena at siya ay nawalan na ng pag-asa. Maya-maya ay bigla siyang natigilan sa pag-iyak ng may munting liwanag siyang nakita na nanggagaling sa malayo. Agad siyang tumakbo papunta doon. Binilisan niya ang takbo dahil sa pangamba niya na baka mawala yung liwanag.

Tumingin-tingin siya sa paligid nang siya ay makarating sa liwanag. Di gaanong maliwanag sa lugar pero ang paligid ay nababalot ng puting kulay. Lumingon-lingon si Nena at paglingon niya sa likod ay wala na yung lagusan galing sa kadiliman.

Nena: "Isa ba itong pagsubok? Nasaan nanaman ako?" Anong Dimensiyon kaya ito. Di pa ko nakakarating dito kahit kailan."

Biglang may nagsalita sa bandang likuran niya.

Babae: "Di ba sinabi ko naman sayo na ang gusto namin ay maging lawyer ka? Nagmatigas ka pa rin at pinagpilitan ang gusto mong gawin sa buhay."

Nena: "M-mommy?"

Mommy ni Nena: "Eh di sana di ka nag-kaganyan ngayon."

Nena: "Huh?? Teka nasan ba tayo?"

Mommy ni Nena: "..."

Naglakad si Nena papalapit sa kanyang mommy at napansin niya na nakatingin ito sa sahig. Pag tingin niya sa sahig nakita niya ang kanyang duguang katawan at wala nang buhay. Nanlaki ang mata at napaatras si Nena, siya ay gulat na gulat sa kanyang nakita. Pag-lingon ng kanyang mommy ay iba at nakakatakot ang mukha nito. Ang mukha nito ay kagaya sa isang maligno.

Maligno: "Whaaahahaahha! Hanggang ngayon ba di mo pa alam na patay ka na, iha?!"
Nena: "Hinde!"
Maligno: "Akin na ang espirito mo! Ang mga kagaya mo ang magpapalakas sa aking kapangyarihan! Dapat lang na mawala sa mundo ang mga pakialamerang kagaya niyo! Sinisira niyo ang balanse ng mundo!"
Nena: "Hindi to maaaring mangyari sakin!"
Maligno: "Bakit hinde?! Dapat nga matuwa ka pa dahil ako ang makikinabang sa espirito mo! Di mo ba ko kilala? Ako ang pinakamalakas na maligno sa lugar na to! Walang sino man ang makakapigil sakin!"

Napalitan ng galit ang takot na nararamdaman ni Nena ng marinig niya ang mga sinasabi ng maligno.

Nena: "Isa kang abusadong maligno, gahaman at sakim sa kapangyarihan! Pasalamat ka lang talaga at hindi ako handa para harapin ka! Pero di ako basta basta papatalo sa mga kagaya mo."
Maligno: "Hahahaha! Alam mo ba ang sinasabi mo? Sa tingin mo may magagawa ka pa? Wala ka nang magagawa! Patay ka na at sakin na ang espirito mo!"

Nag-labas ang maligno ng marami at mahahabang itim na parang ahas na walang bibig at pinaluputan ang katawan ni Nena. Si Nena naman ay nagpumiglas para makawala sa inilabas ng maligno.

To be continued... Basahin ang kasunod

Comments

Popular posts from this blog

Nena Ang Spirit Detective 15

Nena Ang Spirit Detective 23