Posts

Showing posts from October, 2019

Nena Ang Spirit Detective 19

Image
Continuation... "Ang Negosasyon" By: @pinoycreator Narecover ni Nena ang isang telang itim na mahiwaga ayon sa kanyang paningin. Ang tela ang nagsilbing medium ng black lady. Binigay nya ang mahiwang tela sa spirit world research and development para mapag-aralan at mapakinabangan. Paguwi ni Nena ay inaral niyang mabuti ang mga hakbang na gagawin niya. Nag-background check siya sa kanyang target na si Don George De La Cruz. Confidential ang gagawin niyang hakbang dahil protektado ng kanyang yaman at impluwensiya ang suspect. Kinabukasan ay nagpagawa si Nena sa kanyang kaibigan ng kasulatan na magpapaamin at magpapasuko ng kusa sa suspect sa kanyang ginawang krimen at magdodonate ng mga kayamanan nito sa mga organisasyong tululong sa mga nangangailangan. Habangbuhay na suporta sa naulila ni Mary Anne, at share sa pamilya ng suspect. Napag-alaman ni Nena na isa sa laging pinupuntahan ni Don De La Cruz ay ang kanyang high end underground bar isang beses sa isang linggo.

Nena Ang Spirit Detective 18

Image
Continuation... "Ang maitim na sikreto" By: @pinoycreator Nagpumiglas ang black lady sa hypnosis spell cast ni Nena. Pilit nitong nilalabanan ang spell pero nagpakawala pa si Nena ng mas maraming energy para mas lumakas ang pinataw nyang spell sa black lady. Ilang saglit pa ay tuluyan nang nakontrol ni Nena ang black lady. Tumingin ang black lady sa mga mata ni Nena at ito ay handa nang sumunod sa command ni Nena. Nena: Anong pangalan mo? Black lady: Mary Anne Angeles po. Nena: Ikwento mo ang dahilan kung bakit ka nandito ngayon. Black lady: Ok naman po ang buhay ko noon. Simula po nung nagtrabaho ako sa golf course bilang assistant ng mga golfers, nagbago po ang lahat. Black lady: Si Don George De La Cruz po ang naging regular guest ko. Sobrang yaman po niya at sobrang makapangyarihan. Nagmamay-ari po siya ng maraming lupain. Malaki po ang naitulong niya sa akin dahil po malaki po siya magbigay ng pera tuwing inaassist ko siya sa twing nag-gogolf siya. Black l

Nena Ang Spirit Detective 17

Image
Continuation... "Ang Masamang Espirito" By: @pinoycreator Habang padating pa ang dalawang nilalang papalapit kay Nena, nilagay niya muna ang kanyang spirit gun sa magnetic holder nito at inilapat niya ang kanyang mga palad sa mga papalapit na nilalang. Muli siyang gagamit ng cursing spell sa mga ito, naisipan niya na paglabanin ang dalawa para magkaron siya ng oras na mag-reload ng kanyang baril. Mabilis ang dalawa kaya nagmadali din siya na magisip ng command. Nena: BRUHA KA DAW SABI NIYA! Umipekto ang spell at ang dalawa ay naglaban. Muli, may isa pa at huling nilalang na lumabas mula sa bukas na wall sa may second floor. Agad na nireload ni Nena ang kanyang spirit gun at inasinta ng mabuti ang huling papalapit na nilalang. Pinaputukan niya ito at ito ay tinamaan sa katawan. Ito ay gumagalaw pa kaya muli niya itong pinaputukan at ito ay nawasak na. Habang ang dalawang under sa spell niya ay naglalaban, ginamitan niya ito ng kanyang spirit gun at ang mga ito ay n

Nena Ang Spirit Detective 16

Image
Continuation... "Si Nena At Ang Galit Na White Lady" By: @pinoycreator Hindi na sumagot ang white lady sa itaas ng palapag at pumasok nalang ito sa loob ng building. Lumapit si Nena sa may building at inilabas niya ang kanyang spirit gun. Dahan-dahan niyang inakyat ang hagdanan papunta sa entrance ng building. Habang siya ay naglalakad papasok sa entrance ng abandonadong hotel, napansin niya na may mga nagkalat na buhok. Sumandal siya sa kanto ng pader malapit sa entrance ng hotel. Bigla niyang itinutok ang kanyang spirit gun sa entrance ng hotel. Wala doon ang white lady. Pumasok siya sa sirang entrance ng hotel at hinanap niya ang white lady. Nena: Kaya nyang itago ang lokasyon niya.. mukang di ito isang ordinaryong multo. Naglakad si Nena sa kaliwang entrance papunta sa gitnang bahagi ng unang palapag ng hotel. Sa bandang gitna ng lobby, biglang lumitaw ang white lady. White lady: Gusto.. mong.. makipagla.. ro? Nena: Oo. Biglang bumulusok sa direksyon kung n

Nena Ang Spirit Detective 15

Image
Continuation... "Ang Haunted Building Mission" By: @pinoycreator Hawak na ni Nena ang libro at gusto na niya itong basahin. Nena: Yey! Nasakin narin ang libro! Excited na talaga ako. Makapal ang cover ng libro at ibang-iba sa ordinaryong libro. Gaya ng sinabi ni Bill iba ang lengwahe at letra ng libro. Nena: Okay. (Huminga ng malalim) Game. Nagconcentrate si Nena at ipinikit niya ang kanyang mata. Pagdilat niya ay ini-activate na niya ang kanyang Dimensiyon eyes. Nagtaka siya dahil walang nakasulat sa libro. Binaliktad niya sa harap ang libro at nabasa niya "Knowledge Is Power" Nena: Wow! Amazing. Pagbukas niya sa libro ay mas lalo siyang namangha dahil tila buhay ang mga salita at bawat letra ng libro. Isang pala itong guide para i-unlock mo ang mga natatago mong talento. Pumasok sa isip ni Nena ay ang kanyang Dimensiyon shifting abilities. Nalaman ni Nena ang proseso ng spirit fusion at naunawaan niya na rin kung paano ang proseso para mabalanse ni

Nena Ang Spirit Detective 14

Image
Continuation... "Bill, Ang Batang Spirit Detective" By: @pinoycreator Pagkatapos mag-lunch nila Nena at Bill sinimulan na nilang pag-usapan ang mga katanungan ni Nena. Bill: "Busog! Ansarap talagang kumain dito sa Kainan Sa Hardin." Nena: "Oo nga eh. Masasarap talaga mga pagkain dito." Bill: "Ano na nga po pala itatanong nyo?" Nena: "Hmmm. Ganito kasi yun. Habang off-mission ako, naaksidente ako. Tapos pakiramdam ko nagblack-out talaga ako. Pakiramdam ko namatay ako e. Muntikan nang i-consume ng maligno at espirito ko, buti nalang sinagip ako ng alaga kong si Ming sa ibang Dimensiyon. Nena: "Pagbalik ko sa ating Dimensiyon, hindi ko makontrol ang sarili ko. Parang may nag-control sakin. Nagkaron din ako ng kakaibang abilities para talunin yung maligno sa ating Dimensiyon. Tapos.. ayun nakabalik na ko sa sarili kong katawan." Bill: "Abilities yun ng alaga mong si Ming. At sa tingin ko po, spirit fusion ang nangyari

Nena ang spirit detective 13

Image
Continuation... "Ang Meeting ni Nena sa Rank A - Spirit Detective" By: @pinoycreator Matapos talulin ng ibang anyong Nena ang maligno sa malaking puno, bumaba siya kung saan naroon ang kanyang nasirang electric scooter. Tumigil ang hindi niya makontrol na katawan sa eksaktong lugar kung saan siya nasawi. Biglang nagbago ang paligid, naging makulay at ang mga tunog ng paglalakbay ay kanyang narinig. Lumabas mula sa kanyang noo ang kanyang alagang si Ming. Chineck ni Nena ang kanyang katawan at napansin niya na gumaling na ang mga bali niya at ang mga sugat na idinulot ng paghampas ng malaking bagay sa kanyang electric scooter ay naghilom kaagad. Hinang-hina ang kanyang katawan at nanginginig ng bahagya. Bumalik sa dating kulay ang kanyang buhok at pati na ang anyo ng kanyang katawan. Nena: "... A-anong nangyari sakin?" Si Ming ay naglambing sa kanyang paanan at sabik na sabik na makitang muli na buhay ang kanyang mommy. Nena: "Salamat bebe ko sa pagl

Nena ang spirit detective 12

Image
Continuation... "Ang Halimaw Sa Bundok" By: @pinoycreator Nagpatuloy ang paglalakbay ni Nena patungo sa hindi niya alam na Dimensiyon. At ilang saglit pa ay nagliwanag ang kanyang paningin. Unti-unting nagdilim ang paningin ni Nena at nakita niya ang kalangitan na kagaya ng nakita niya bago siya pumanaw. Si Nena ay bumalik sa Dimensiyon ng mga buhay na tao at bigla siyang napahabol ng kanyang hininga. Ang paningin ni Nena ay biglang naging agresibo. Bumangon bigla ang kanyang katawan pero hindi niya ma-control ang kanyang sarili. Nag-lagutukan ang kanyang mga buto na tila ibinabalik sa tama nitong anyo. Ang kulay ng kanyang buhok ay naging itim at ang mga mata niya ay nagbago na kagaya sa isang pusa. Nagpatuloy ang paglagutok ng kanyang mga buto habang mabilis na tumitibok ang kanyang puso. Maya-maya ay naging maayos ang kanyang pakiramdam at pati ang tibok ng kanyang puso pero hindi niya ma-kontrol ang kanyang katawan. Tila may ibang nilalang na nag-koko

Nena Ang Spirit Detective 11

Continuation... "Ang kapangyarihan ng amulet" By: @pinoycreator Nabalot si Nena ng mga itim na tila ahas na walang bibig na nanggaling sa maligno. Nagpumiglas si Nena habang hinihila siyang papalapit ng maligno. Maligno: "Hahahha. Kita mo na? Sinabi ko naman sayo eh wala ka nang magagawa kundi maging parte ng kapangyarihan ko eh. Ilang saglit nalang at mapapasakin na ang espirito mo. Kahit anong gawin mong pagpupumiglas diyan ay wala ring magagawa!" Nena: "Ahhh! Di to pwedeng mangyari sakin. Marami pang nangangailangan ng tulong ko. May naghihintay pa sa akin." Lumaki ang bunganga ng maligno at handa na nitong lamunin ng buo ang espirito ni Nena. Humigpit ang mga nakapalupot kay Nena at hindi na niya magawang magpumiglas. Dahan-dahang hinihila si Nena papalapit. Ngumanga ang maligno at ito ay takam na takam na naglalaway sa espirito ni Nena. Pumalupot narin sa bibig ni Nena ang mga nakapalupot sa katawan niya at siya ay hindi na makapagsalita.

Nena Ang Spirit Detective 10

Image
Continuation... "Sa mundo ng mga yumao at ang maligno" By: @pinoycreator Lumiwanag ang paningin ni Nena at ang mga tunog ng paglalakbay sa ibang Dimensiyon ay kanyang narinig. Naglakbay ang diwa niya habang ang katawan niya sa Mundo ay pumanaw na. Napunta siya sa outer space at namangha sa kagandahan ng Mundo habang tinitingnan niya ito. Bigla siyang bumulusok pababa ulit sa Mundo, habang siya ay pabagsak ay nagliyab ang kanyang katawan pero hindi niya naramdaman ang init. Bumagsak ang espirito ni Nena sa isang madilim na kagubatan na halos wala siyang makita kundi ang mga mumunting dahon sa kanyang paligid. Nena: "Nasaan na ako? Anong bang nangyari sa akin? Ang natatandaan ko ay maayos naman akong nagmamaneho pero bigla nalang akong tumilapon." Kinapa ni Nena ang kanyang katawan at ang sa palagay niya ay maayos naman ang kalagayan niya. Dahan-dahang naglakad si Nena at umaasa na may makita siyang liwanag. Naalala niya bigla ang kanyang alaga

Nena Ang Spirit Detective 9

Continuation... "Ang Hindi Inaasahang Pangyayari" By: @pinoycreator Dumalo si Nena sa invitation ng mag-asawang Bright na dinner kasama ang kanyang alaga na si Ming. Ginamit ni Nena ang bago niyang electric scooter habang tahimik na nakasakay si Ming sa bag ni Nena. Nakarating sila 10 minutes na maaga sa usapan nila. Receptionist: "Goodevening, do you have a reservation?" Nena: "Table for Mr. bright, please." Receptionist: "This way please." Pagdating nila sa table, nandoon na sila Mr. And Mrs. Bright. Pagbati ni Nena ng "Hello!", bigla nalang siyang niyakap ni Mrs. Bright at ito ay napaiyak. Nena: "... Ahhh..." Napatingin si Nena kay Mr. Bright habang akap siya ng kanyang asawa. Si Mr. Bright naman ay nakangiti lang na nakatingin sa kanya. Mrs. Bright: "Thank you Nena. Maraming, maraming salamat." Nena: "Ahhh... Wala po yon madam. It's my job as a spirit detective." Mrs. Bright: "

Nena ang spirit detective 8

Continuation... Nena ang spirit detective 8 By: @pinoycreator Matapos ang tagumpay na pag-gabay ni Nena sa ligaw na espirito, siya ay nakabalik na sa Dimensiyon ng mundo. Ang itim na pusa ay hinang-hina at walang malay. Nena: "Pasensya ka na at late ako nakapunta para i-rescue ka. Hmm.. iba din talaga ang itsura mo kumpara sa mga normal na pusa e noh? Simula ngayon ako na ang mag-aalaga sa'yo. Tatawagin kitang Ming." isinama ni Nena si Ming sa kanilang Condo. At siya na ang nag-alaga dito. Kinabukasan ng umaga ay nag-online si Nena sa apps na gamit niya para sa kanyang freelance job. Minark as "completed" niya ang kanyang project para sa mag-asawang Bright. Nag-iwan din siya ng note sa kanila na "Mission accomolished po. Please observe the place for 9 days." Makalipas ang ilang oras. Na-receive na ni Nena ang full payment sa kanya ng mag-asawang Bright sa kanyang mobile wallet. Sa loob ng tatlong araw, inalagaan ni Nena si Ming hanggang sa it