Nena Ang Spirit Detective

Title: Nena Ang Spirit Detective
By: Pinoy Creator

Isang gabing madilim dumaan ang isang babae sa isa sa pinakadelikadong eskinita sa siyudad ng Birangan. Maya maya pa si di kalayuang lugar, nagusap ang dalawang lalaking armado ng nakamamatay na sandata.

Lalaki 1: "Hmmm. Sira na ata ulo nitong babaeng to ah. Di bale, pwede na yang target natin para naman magkaginto tayo."

Lalaki 2: "Hay nako. Mukang sayang nanaman ang pageensayo ko sa mga ganitong target natin. Di bale, bonus nalang satin to."

Nang makarating ang babae malapit sa pinagtataguan ng mga lalaki, lumabas ang isa sa may harapan niya at ang isa nama'y sa likuran niya. Napansin ito ng babae at ito ay tumigil sa paglalakad.

Lalaki 1: "Hep, hep, hep. Wag kang kikilos ng masama. Iwan mo na yung bag mo dyan sa lapag at makakaalis ka na. Walang masasaktan, makakauwi ka ng maayos."

Napangiti ang babae.

Lalaki 1: "Huh?! Anong nginingiti-ngiti mo dyan? At gusto mo pa yatang masaktan?"

Babae: "Hahahaha! Easy money. Yan ang gusto ng mga taong kagaya niyo. Mga tamad! Umalis ka dyan sa dinadaanan ko kung ayaw niyong maging laman ng selda."

Lalaki 1: "Aba loko to ha?! Akala mo siguro nagbibiro ako!"

Galit na umatake ng balisong ang lalaki sa babae pero tila walang pakialam ang babae. Ng ito ay malapit na sa babae ay may biglang tumamang lata ng inumin sa kamay ng lalaki at natigilan ito.

Lalaki 2: "huh?! San nanggaling yun?

Napatingin ang lalaki sa may papasok pa na eskinita sa bandang kanan nito. Biglang lumabas ang isang lalaki na nakasuot ng itim at ito ay nakangiti.

Lalaki 1: "Aba pakelamero to ah!"
Lalaki 2: "Yeah! Buti naman at may mababanatan na tayo!"

Umataki yung lalaki sa likuran ng babae sa lalaking nakaitim pero lahat ng suntok at sipa nito ay malumanay na naiwasan nito. Sa isang suntok ay kinuha ng lalaking nakaitim kamay nito inipit at ito ay di makagalaw.

Bigla namang tumakbo papalapit gamit ang balisong ang lalaki nasa unahan ng babae sa lalaking nakaitim para ipagtanggol ang kasama nito. Binigyan ng lalaking nakaitim ng isang sapak sa muka ang nakatrap sa kamay niya at ito'y bumagsak at agaran nitong iniwasan ang papalapit na balisong.

Sabay kuha sa kamay na may hawak na balisong, konting trap at isang solid sa suntok. Habang namimilipit ang dalawang lalaki sa sahig. Papoging tumingin ang lalaking nakaitim sa babae at ito ay nakangiti.

Lalaking nakaitim: "Ayos ka lang ba, miss?"

Umirap ang babae at dumiretsiyo na sa paglalakad.

Lalaking nakaitim: "Ayos din tong babaeng to ah! Niligtas na nga siya, siya pa ang masungit. Ni salamat wala man lang."

Sumunod ang lalaking nakaitim sa babae.

Lalaking nakaitim: "Oy, miss di ka man lang ba magsasalita?"

Biglang hamarang ang lalaking nakaitim sa babae. At natigilan ito sa paglakad.

Babae: "Ano bang problema mo? Sinabi ko bang sagipin mo ko? Tabi nga."

Hinawi ng babae ang lalaking nakaitim at ito ay bahangyang napaurong pakanan. Dumiretsiyo sa paglalakad ang babae habang ang lalaking nakaitim naman ay nagulat sa naging reaksyon ng babae.

Lalaking nakaitim: "Anong meron sa babaeng to? Akala mo kung sino kung umasta. Hoy miss salamat ha! Di mo man lang ba sasabihin pangalan mo?"

Babae: "Nena! Oh ano masaya ka na?"
Lalaking nakaitim: "Tonyo, nga pala."

To be continued... Read next

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Nena Ang Spirit Detective 24

Nena Ang Spirit Detective 20