Nena Ang Spirit Detective 6

"Ang pagsapi ng ligaw na kaluluwa."

Continuation... Read previous
By: @pinoycreator

Unti-unting dinilat ni Nena ang kanyang mga mata. Lumawanag ng kaunti ang paligid. Naglakad siya ng dahan-dahan at maingat papunta sa bandang gitna ng bahay. Napansin niya na may kumikislap na tila mga mata sa di kalayuan sa may bandang gitna ng bahay. Siya ay lumakad pa ng kaunti at huminto. Napansin niya na may pusang itim na nakatayo sa bandang gitna.

Nang pinagmasdan niyang mabuti napansin niya na kakaiba ang itsura ng pusa at ito ay gumawa ng tunog ng galit na pusa.

Nena: "Okay lang yan, miyawi. Di naman ako nananakit. Ikaw ba ang may kagagawan ng mga ito?"

Tumahimik ang pusa at tumalikod sa kanya. Ilang saglit pa ay naglakad patago sa isang malaking pader.

Nena: "Di ako nagkakamali. Sa pusa nanggagaling ang mabigat na pakiramdam ko. Pwedeng sa kanya sumapi ang di matahimik na espirito."

Nena: "Wwssss... Ming ming ming... Halika dito may dala akong pagkain."

Sumagot ang pusa ng meow. Maya-maya ay ang mga meow ng pusa ay unti-unting lumalaki ang tunog hanggang sa naging tunog halimaw ang pag-meow nito. Lumabas mula sa malaking pader ang isang malaking halimaw na higanteng pusa. Itinutok ni Nena ang kanyang spirit gun sa halimaw.

Nena: "Kain ka na, miyawi? Masarap tong spirit gun ko. Wag kang kikilos ng masama, kung ayaw mong maging giant siopao."

Nag-react ang halimaw na pusa na parang naiintindihan nito ang mga sinasabi ni Nena. Kakaiba ang mga kamay ng halimaw at kaya nitong hawakan ang mga bagay sa paligid. Kinuha nito ang isang upuan at ibinato kay Nena. Tumambling si Nena pakaliwa para iwasan ang ibinatong silya.

Nena: "Aba, aba, aba! Mukang matigas ang ulo ng isang to ah. Ooops!"

Biglang iwas si Nena pakanan dahil isa nanamang silya ang ibinato ng halimaw. Nag batong muli ng dalawang silya ang halimaw at iniwasan ito ni Nena hanggang sa makapagtago siya sa isang pader. Sumigaw ang halimaw, "wwwrrrraaaahhhh!" Huminga ng malalim si Nena.

Nena: "Okay, bibigay ko ang gusto mo. Ako naman!"

Lumabas si Nena sa kanyang pinagtataguan at itinutok ang kanyang spirit gun sa halimaw. Pinutukan niya ng isa ang halimaw at it ito ay napaatras. Nagbato ng maliit na lamesa ang halimaw at iniwasan ito ni Nena ng isang tumbling na parang gymnast. Pagluhod ni Nena ay pinaunlakan niya pa ng tatlong putok ang halimaw. Napaatras namang muli. Dalawa pang putok ang ibinigay ni Nena at ang halimaw ay bumagsak.

Nena: "hmmm... tama na siguro yun."

Biglang bumangon ang halimaw na pusa at nagulat si Nena sa pinakitang tibay nito.

Nena: "Haaah! Iba din.. talagang gusto niyang maging siopao. Aaaaayyyy!"

Nagulat si Nena, dahil bigla itong nagbato ng dalawang sirang appliances papunta sa kanya at siya ay kamuntikan ng tamaan ng mga ito. Tumakbo pakaliwa si Nena at nagtago sa kabilang pader. Sumigaw ang halimaw ng malakas at ito ay galit na galit. "Wwwwrrraaaaaahhhh!!"

Nena: " Baklang twoohh!! Muntik mo pa akong magalusan. Pwes! Papatahimikin muna kita."

Muling lumabas si Nena sa pagtatago, habang nakatutok ang kanyang spirit gun sa halimaw. Inabangan niyang magbato ng gamit ang halimaw at iniwasan ito ni Nena. Nag-focus si Nena at habang dahan-dahan siyang naglalakad pakaliwa at pinutukan niya ang mga kamay ng halimaw. Dalawang beses na putok sa katawan at dalawang beses sa may ulunan.

Bumagsak ang halimaw na pusa sa sahig. Inilabas ni Nena ang kanyang spirit trap gun at itinutok niya ito sa halimaw bago pa ito makabangon. Isang putok ng spirit trap gun at tumama ito sa may balikat ng halimaw. Nagkalat bigla ang tila mga pulang kuryente sa paligid ng halimaw na pusa. Ito ay hindi makagalaw.

To be continued... Basahin ang kasunod

Comments

  1. What's Happening i am new to this, I stumbled
    upon tjis I have found It positively usefful annd it has
    helped me out loads. I hope to contribute & aid other customers
    like its aided me. Good job.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Nena Ang Spirit Detective 4

Nena Ang Spirit Detective 18