Nena Ang Spirit Detective 5

"Ang Pagpasok Ni Nena Sa Haunted House"


Continuation... Read previous
By: @pinoycreator

Nagpahinga na si Nena pagkatapos niyang mag-gym. Nagresearch siya sa social media kung may makikita siyang mga information tungkol sa kinatatakutang "haunted house". Napag-alaman niya na ang pinakaunang nanirahan dito ay isang di gaanong katandaang lalaki.

Matapos niyang magresearch ay napahinga siya ng malalim. Tumingin siya sa salamin at doon ay naaninag niya ang larawan niya na tila may kasama. Nakatulog na si Nena. Ilang saglit pa, siya ay nanaginip na may hinahabol siya na isang anino. Mabilis ang anino at patuloy niya itong hinahabol hanggang sa ito ay maglaho. Nalungkot siya sa kanyang panaginip ngunit sabi niya sa sarili na, "ok lang yan".

Pagsapit ng dilim, tumunog na ang kanyang mobile phone. Excited siyang bumangon at ng tiningnan niya ang kanyang cellphone ay mayroon siyang notification sa mobile wallet niya. Ang mag-asawang Bright ay nag-down payment ng 9,000 pesos, para makasiguro na gagawin ni Nena ang kanyang misyon ng pulido. May mensahe rin siya mula kay mr. Bright na nagsabing "Please do your best". Nireplyan niya itong, "Consider it done".

Sinuot niya ang spirit detective's dress niya na in-issue sa kanya ng spirit detective organisation. Si Nena ay nasa rank B at malapit na siyang mapunta sa rank A na pinapangarap niya. Sa rank A mas challenging na mga misyon ang kanyang tatapusin. Napakadelikado narin ang mga misyon sa rank A, kaya hindi basta basta ang makapasok sa ranggo na iyon.

Isang maliit na backpack ang dala niya kung saan nakalagay ang "spirit gun" at "spirit trap gun" niya.

Nang handa na ang lahat. Siya ay nagbook ng motorcycle ride sa isang mobile app patungo sa kanyang pupuntahan. Pag baba niya ng condo ay nandun na sa pick up point ang rider niya. Sila ay pumunta na sa kanilang destinasyon. Ang drop off niya ay hindi sa eksaktong lugar dahil walang gustong pumunta sa lugar na iyon.

Rider: "Hanggan dito nalang miss."
Nena: "Okay."
Rider: "Sigurado ba kayo na dito kayo bababa?"
Nena: "Oo naman. May ka-date akong multo e. Chur!"
Rider: "Haha. Oh sige po. Mag-ingat po kayo."

Umalis na yung rider at si Nena ay lumakad na papunta sa "haunted house". Habang siya ay naglakakad ay palamig ng palamig ang paligid. Ang hamog ay paunti-unti ring naglalabasan habang siya ay papalapit. Dinig na dinig niya ang mga kuliglig sa paligid. Napakatahimik ng paligid.

Nena: "Napakasarap naman ng sariwang hangin dito. Napakapayapa ng paligid. Ang mga espirito ay napakabanayad. Haaay.. Heto na tayo sa bahay ng hindi matahimik na espirito. Bakit kaya? Bakit kaya di siya matahimik? Hmmm... Malalaman ko rin yan."

Nena: "Heto na. Tumitindig na ang aking mga balahibo. Ang bigat ng pakiramdam ay nararamdaman ko na. Siya ay nasa paligid papalayo sa akin. Siya ay magtatago na sa kanyang tahanan. Wag ka sanang matakot sakin dahil hindi ako nananakit. Yun ay kung hindi mo rin ako sasaktan."

Nena: "Sana maunawaan mo na hindi ako nandito para palayasin ka sa tahanan mo. Nandito ako para tulungan ka. Nandito ako para palayain ka sa bilangguan na ginawa ng yong hindi matapos tapos na paghihintay ng pag-asa. Ako ang magiging tulay para sa hangarin ng iyong puso. Humanda ka na. Oras na para maramdaman mo ang aking presensya!"


Minulat ni Nena ang kanyang mata. Ang mga mata niya ay nag-iba ng kulay at anyo na parang kagaya ng sa isang pusa. Niyanig ang paligid ng kanyang enerhiya papunta sa haunted house. Lumakas ang ihip ng hangin at nagsimulang mag galawan ng bahagya ang mga bagay sa loob ng bahay.

Binuksan ni Nena ang gate ng bahay gamit ang susi na iniabot sa kanya ng mag-asawa. Dahan-dahan siyang lumapit sa pinto ng bahay. Binuksan niya ito ng marahan gamit ang susi. Naramdaman niya na may biglang tumakbo palayo sa kanya patungo sa bandang ginta ng bahay.

Pumasok si Nena sa loob ng bahay hawak ang spirit gun sa dalawa niyang kamay. Ang pinto ay biglang sumara ng malakas. Tumahimik ng sobra at walang makita sa sobrang dilim. Naramdaman ni Nena ang tibok ng kanyang puso. Kumakalabog ng malakas. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at pinakiramdaman ang paligid.

To be continued...

Like @pinoycreator for first-hand updates

Updated... Basahin ang kasunod

Comments

Popular posts from this blog

Nena Ang Spirit Detective 19

Nena Ang Spirit Detective 11