Nena Ang Spirit Detective 3

Continuation... Read previous
By: Pinoy Creator

Natapos na ang paguusap ni Nena at ng magasawa. Nagdeal sila na babayaran si Nena ng 18,000 pesos kapalit ng pagpapalis niya sa masamang espirito sa abandonadong bahay na pagmamay-ari ng mag-asawang Bright.

Pag-uwi ni Nena sa kanyang Condo ay inihanda na niya ang kanyang mga equipment at armas na kanyang gagamitin. Dalawang baril ang kanyang dadalhin. Ang isa ay ang "spirit gun" na nakaka-damage sa espirito ano mang klase ito. At ang isa ay ang "spirit trap gun" na nagtatrap sa espirito upang ito ay hindi makagalaw.

Ang "amulet of oneness" ay palaging suot ni Nena. Ang kwintas na ito ay nakapagbibigay ng mas malawak na kapangyarihan upang magpunta sa ibang dimensiyon ang taong bukas ang third eye. Dimensiyon na kung saan hindi kayang puntahan ng ordinaryong tao lamang.

Ang mga kagamitan na ito ay binili ni Nena sa online shop para sa mga Spirit Detective na kagaya niya gamit ang mga perang kinikita niya sa mga kliyente niya. Ginagamit niya ang cellphone at mobile wallet niya sa pag-browse at pagbili ng mga sandata na kailangan niya. May komisyon din siyang kinikita sa bawat tagumpay na mission na kanyang nagagawa galing sa organisasyon bukod pa sa kanyang kliyente.

Ito ang buhay ni Nena. Masaya siya sa kanyang ginagawa kahit na kakaiba ito sa ginagawa ng mga normal na tao. Layunin niya na maisaayos ang mga pasaway na espirito at matulungan ang mga nasa normal na dimensiyon. Natutulungan niya rin ang mga espirito na hindi sinasadyang maligaw ng landas na nagsasanhi ng pinsala sa mga tao.

Matapos niyang ayusin ang kanyang mga gamit. Nagehersisyo si Nena sa fitness center ng condo niya.

Nena: "Hi Marie!"
Marie (fitness center receptionist): "Hi kamusta?"
Nena: "Hay nako bakla, eto medyo busy sa work. Kaya kailangan makapagexercise parin para stay fit parin ang lola mo."
Marie: "Hay buti ka pa. Ako eto medyo tumataba na. Nakukulangan ako ng exercise at ansarap kasing kumain. Magaling kasi magluto asawa ko e. Ikaw ba beshy kelan ka magkakajowa?"
Nena: "iiih. Wala kong time para dyan. Mas gugustuhin ko pa mag-isa kesa mag-jowa.

Maya maya pa ay dumating ang isang lalaking nakaitim na mejo gwapo.

Lalaki: "Hi Marie!"
Marie: "Hi Tonyo."

Napatingin si Nena sa lalaking tinawag ni Marie na Tonyo. Napatingin din si Tonyo sa kanya.

Tonyo: "Oh, hmmm.. Nena tama? Akalain mo nga namang magkikita tayo dito.
Nena: "Anong ginagawa mo dito?"
Tonyo: "Malamang mag-ji-gym."
Nena: "Okay..."
Marie: "Magkakilala pala kayo?"
Nena: "Hinde no! Oh sige na nga mag-start na ko at marami pa kong gagawin.

Nauna ng mag-start mag gym si Nena.

Marie: "Hayaan mo yun sir. Masungit lang talaga yun. Lalo na sa mga boys."
Tonyo: "Ah talaga. Pansin ko nga. Type ko pa naman siya kaso mas mukang tigasin pa ugali niya kesa sakin e."
Marie: "Oo nga sir eh. Pero napakabait niyan. Isa yan sa mga favorite kong guest namin eh kasi parang halos magbeshy lang turingan namin."
Tonyo: "ah ganon. Oh sige na makapagstart narin ako."
Marie: "Sige sir, byyeeiiih."

To continued... Basahin ang kasunod

Comments

Popular posts from this blog

Nena Ang Spirit Detective 19

Nena ang spirit detective 8