Nena Ang Spirit Detective 2

Continuation... Read previous
By: Pinoy Creator

Nagmamadaling tumakbo ang dalawang nagulpi na lalaki ni Tonyo. Si Tonyo naman ay nagmadali tumakbo palabas ng eskinita at minatyagan si Nena kung saan ito nakatira.

Pumasok si Nena sa isang condominium kung saan ito nakatira.

Tonyo: "Okay, dyan ka pala nakatira ha."

Bumalik na si Tonyo sa inuupahan nitong apartment sa di kalayuang lugar mula sa condo ni Nena.

Nahiga si Nena sa kanyang higaan at napahinga ng malalim.

Nena: "Haaay... Exorcism. Basic na sakin yang ganyang kaso. Puro ganito nalang ba ang darating na kaso? Sana naman may dumating na mas challenging."

Habang siya ay nagpapahinga, tumunog ang cp niya. Isang notification na pumasok na sa mobile wallet niya ang payment ng kakatapos niya lang na client. Di ito pinansin ni Nena.

Ilang saglit pa ay tumunog muli ang kanyang cp. Ito ay notification na may bagong offer sa kanya ang isang client. Dali-dali itong binuksan ni Nena. At siya ay napa"wow!"

Subject: "Haunted House"

Nena: "Napakainteresting naman nitong offer na ito."

Agad na nag-chat si Nena sa kanyang client.

Nena: "Hi!"
Client: "Hello."
Nena: "What can I do for you?"
Client: "Mr. bright here. Can we talk about it tomorrow morning at 9am in the address located in my offer?"

Tiningnan ni Nena yung address at nakita na located ito sa isa sa mga haunted places ng siyudad.

Nena: "Sure!"
Mr. bright: "Okay, we'll see you tomorrow."

Natapos na yung chat nila. Chineck ni Nena yung profile ni Mr. Bright at nakita niya na marami na itong completed projects kaya legit ang offer.

Kinabukasan sa kanilang pagkikita ni Mr. Bright sa address. Bumaba si Mr. Bright sa kanyang sasakyan kasama ang kanyang asawa. Nagulat sila at nandoon na pala si Nena nagmamatyag kaagad.

Mr. Bright: "Hmmm... Nena?"

Nagaalinlangang tumingin ang magasawa sa kanya.

Nena: "Yes. Curious talaga ako sa haunted house na ito. So konting check lang."
Mr. Bright: "Matagal na naming problema ang sinasabi nilang naninirahan daw sa bahay na iyan. Sa dami dami ng gustong bumili jan eh halos hindi narin namin maibigay dahil nga marami naring umalis at nagreklamo."

Nena: "Hmmm."
Mr Bright: "Kung ano ano at kung sino sino na ang pinapunta namin dito para jan pero wala parin. Kaya sana nga ikaw at ang team mo ay mapaalis ang sinasabi nilang masamang espirito na nanjan."

Biglang may kumalabog na malakas mula sa loob ng haunted house. Napatingin ang tatlo sa bahay. Kinabahan ang mag-asawa.

Nena: "Wag kayong magalala. Iimbistagahan ko ang sinasabi niyo. Anyway, I'm doing this alone. Kailangan ko lang magprepare para dito."

Mag-asawa: "Okay. Salamat."

To be continued... Basahin ang kasunod

Comments

Popular posts from this blog

Nena Ang Spirit Detective 19

Nena ang spirit detective 8