Posts

Showing posts from September, 2019

Nena Ang Spirit Detective 7

Image
"Si Nena At Ang Ligaw Na Espirito" By: @pinoycreator Continuation... Successful ang pagtrap ni Nena sa halimaw na pusa. Ito ay nagpupumiglas para makatakas sa spirit trap ni Nena. Nena: "Haaay. Nahuli din kita. Mejo makunat din ang balat mo no? Nakaubos ako ng isang magazine ng spirit ammunition." Halimaw: "Wraaaahhh!" Nena: "Okay lang yan. Relax ka lang kasi at wag ka na magpumiglas. Hmmmm.. Ano kayang magandang pangalan mo? (Comment your suggestions) Saka na kita papangalanan. Maya-maya pa ay kumalma na ang higanteng pusang halimaw. Nena: "Yaaan. See. Di ba mas ok pag kalmado ka lang . Relax ka lang. Di ako kumakain ng pusa. Eto na ang tamang oras para pumasok sa ibang dimensyon at makipagnegosasyon sa sumapi sayo." Pumikit si Nena at nag-concentrate. Nena: "Amulet of Oneness, ibigay mo sakin ang iyong kapangyarihan para makapaunta sa Dimensiyon kung saan naroon ang espiritong sumapi sa pusang ito. Umilaw

Nena Ang Spirit Detective 6

Image
"Ang pagsapi ng ligaw na kaluluwa." Continuation... Read previous By: @pinoycreator Unti-unting dinilat ni Nena ang kanyang mga mata. Lumawanag ng kaunti ang paligid. Naglakad siya ng dahan-dahan at maingat papunta sa bandang gitna ng bahay. Napansin niya na may kumikislap na tila mga mata sa di kalayuan sa may bandang gitna ng bahay. Siya ay lumakad pa ng kaunti at huminto. Napansin niya na may pusang itim na nakatayo sa bandang gitna. Nang pinagmasdan niyang mabuti napansin niya na kakaiba ang itsura ng pusa at ito ay gumawa ng tunog ng galit na pusa. Nena: "Okay lang yan, miyawi. Di naman ako nananakit. Ikaw ba ang may kagagawan ng mga ito?" Tumahimik ang pusa at tumalikod sa kanya. Ilang saglit pa ay naglakad patago sa isang malaking pader. Nena: "Di ako nagkakamali. Sa pusa nanggagaling ang mabigat na pakiramdam ko. Pwedeng sa kanya sumapi ang di matahimik na espirito." Nena: "Wwssss... Ming ming ming... Halika dito may dala akon

Nena Ang Spirit Detective 5

Image
"Ang Pagpasok Ni Nena Sa Haunted House" Continuation... Read previous By: @pinoycreator Nagpahinga na si Nena pagkatapos niyang mag-gym. Nagresearch siya sa social media kung may makikita siyang mga information tungkol sa kinatatakutang "haunted house". Napag-alaman niya na ang pinakaunang nanirahan dito ay isang di gaanong katandaang lalaki. Matapos niyang magresearch ay napahinga siya ng malalim. Tumingin siya sa salamin at doon ay naaninag niya ang larawan niya na tila may kasama. Nakatulog na si Nena. Ilang saglit pa, siya ay nanaginip na may hinahabol siya na isang anino. Mabilis ang anino at patuloy niya itong hinahabol hanggang sa ito ay maglaho. Nalungkot siya sa kanyang panaginip ngunit sabi niya sa sarili na, "ok lang yan". Pagsapit ng dilim, tumunog na ang kanyang mobile phone. Excited siyang bumangon at ng tiningnan niya ang kanyang cellphone ay mayroon siyang notification sa mobile wallet niya. Ang mag-asawang Bright ay nag-down pa

Nena Ang Spirit Detective 4

Image
Continuation... Read previous Nagsimula nang mag-exercise si Nena matapos niyang mag warm up at mag-stretching. Ginamit niya ang treadmill sa may bandang sulok. Maya-maya pa ay dumating na din si Tonyo. Lumapit siya sa may tabi ni Nena habang ito ay nag-eexercise. Balak niya sanang kausapin pero nakita niya na parang ayaw man lang nitong lumingon kahit na nasa bandang likuran na siya nito. Nagtreadmill narin si Tonyo sa tabi ni Nena. Habang nagte-treadmill ang dalawa, huminga ng malalim si Tonyo at sinubukang kausapin si Nena. Tonyo: "Hhhhmmm. Ehem.. Ah... Nena. Matagal ka ng nagwo-work out dito?" Napatingin lang si Nena sa kanya. Di niya ito pinansin at nagtuloy lang sa kanyang pageehersisyo. Tonyo: "Talaga nga naman oh. Di talaga makausap, napakasuplada. Haaay, makapag-exercise na nga lang." Nagpatuloy ang pagte-treadmill ng dalawa. Makalipas ang ilang minuto. Tumingin uli si Tonyo kay Nena. Si Nena naman ay tuloy-tuloy lang ang pagte-tre

Nena Ang Spirit Detective 3

Image
Continuation... Read previous By: Pinoy Creator Natapos na ang paguusap ni Nena at ng magasawa. Nagdeal sila na babayaran si Nena ng 18,000 pesos kapalit ng pagpapalis niya sa masamang espirito sa abandonadong bahay na pagmamay-ari ng mag-asawang Bright. Pag-uwi ni Nena sa kanyang Condo ay inihanda na niya ang kanyang mga equipment at armas na kanyang gagamitin. Dalawang baril ang kanyang dadalhin. Ang isa ay ang "spirit gun" na nakaka-damage sa espirito ano mang klase ito. At ang isa ay ang "spirit trap gun" na nagtatrap sa espirito upang ito ay hindi makagalaw. Ang "amulet of oneness" ay palaging suot ni Nena. Ang kwintas na ito ay nakapagbibigay ng mas malawak na kapangyarihan upang magpunta sa ibang dimensiyon ang taong bukas ang third eye. Dimensiyon na kung saan hindi kayang puntahan ng ordinaryong tao lamang. Ang mga kagamitan na ito ay binili ni Nena sa online shop para sa mga Spirit Detective na kagaya niya gamit ang mga perang kiniki

The Dream Woman of a Cheater 3

Image
Continuation... Read previous After the fall, Mike rest for a while. He begins to feel relaxed and felt his wounds were instantly healed. He noticed that the place was totally transformed. The place is now very pleasant unlike a while that was so haunting. He get up and walked a little. He noticed someone looking at him hiding in the leaves. Mike:"Huh? Show yourself." He heard a cute laugh of a woman. And he recognised the voice right away. Unknown: "Hahahaha. Why so nervous." Mike: "K-Kassandra is that you." Kassandra: "Mike? Oh. I thought it was someone else. What are you doing here? Mike: "I fell." Kassandra: "Fell what?" Mike: "In love. Oh, sorry I mean I fell from the trees." Kassandra: "Huh? That's weird." Mike sensed a strange feeling. He would not say "In love." But he felt someone controlled his tongue to say it. Mike: "So what on Earth are you doing here in the

Nena Ang Spirit Detective 2

Image
Continuation... Read previous By: Pinoy Creator Nagmamadaling tumakbo ang dalawang nagulpi na lalaki ni Tonyo. Si Tonyo naman ay nagmadali tumakbo palabas ng eskinita at minatyagan si Nena kung saan ito nakatira. Pumasok si Nena sa isang condominium kung saan ito nakatira. Tonyo: "Okay, dyan ka pala nakatira ha." Bumalik na si Tonyo sa inuupahan nitong apartment sa di kalayuang lugar mula sa condo ni Nena. Nahiga si Nena sa kanyang higaan at napahinga ng malalim. Nena: "Haaay... Exorcism. Basic na sakin yang ganyang kaso. Puro ganito nalang ba ang darating na kaso? Sana naman may dumating na mas challenging." Habang siya ay nagpapahinga, tumunog ang cp niya. Isang notification na pumasok na sa mobile wallet niya ang payment ng kakatapos niya lang na client. Di ito pinansin ni Nena. Ilang saglit pa ay tumunog muli ang kanyang cp. Ito ay notification na may bagong offer sa kanya ang isang client. Dali-dali itong binuksan ni Nena. At siya ay napa&quo

Nena Ang Spirit Detective

Image
Title: Nena Ang Spirit Detective By: Pinoy Creator Isang gabing madilim dumaan ang isang babae sa isa sa pinakadelikadong eskinita sa siyudad ng Birangan. Maya maya pa si di kalayuang lugar, nagusap ang dalawang lalaking armado ng nakamamatay na sandata. Lalaki 1: "Hmmm. Sira na ata ulo nitong babaeng to ah. Di bale, pwede na yang target natin para naman magkaginto tayo." Lalaki 2: "Hay nako. Mukang sayang nanaman ang pageensayo ko sa mga ganitong target natin. Di bale, bonus nalang satin to." Nang makarating ang babae malapit sa pinagtataguan ng mga lalaki, lumabas ang isa sa may harapan niya at ang isa nama'y sa likuran niya. Napansin ito ng babae at ito ay tumigil sa paglalakad. Lalaki 1: "Hep, hep, hep. Wag kang kikilos ng masama. Iwan mo na yung bag mo dyan sa lapag at makakaalis ka na. Walang masasaktan, makakauwi ka ng maayos." Napangiti ang babae. Lalaki 1: "Huh?! Anong nginingiti-ngiti mo dyan? At gusto mo pa yatang mas