Nena Ang Spirit Detective 27

Continuation...
"Ang Pagmamahal Ng Isang Magulang"
By: @pinoycreator

Nag-umapaw sa galit ang dambuhalang halimaw ng matamaan ito sa kahinaan nito. Nagpakawala ng hampas gamit ang mga kamay nito kay Rudy na iniwasan ni Rudy ng matagumpay. Nagkandawasak-wasak ang sahig dahil sa mga pinakawalang hampas ng halimaw.

Lumakad si Nena papunta sa dalawa habang naka-on ang kanyang Dimensiyon Instincts. Matapos magpakawala ng halimaw ng mga hampas ay lumapit si Rudy sa may dibdib ng kalaban at nagpakawala ng isang malakas na spirit punch! TggggssSshh! Napa-atras ang halimaw.

Halimaw: WwwrraaAahh!!!

Rudy: Hahaha! Masakit ba? Akala ko ba matibay ka ha?

Malapit nang mag-end ang spirit body armor ni Rudy ng biglang nagpakawala ng isang mabigat na hampas ang halimaw gamit ang dalawa sa apat na kamay nito. Di napaghandaan ni Rudy ang pag-atake kaya naman sinalo nya ang mga kamay ng halimaw.

Halimaw: WWWwwrrraaaahhh!!!

Hindi na-damage si Rudy dahil siya ay protektado pa ng kanyang spirit body armor bago ito tuluyang naglaho.

Rudy: Ops teka muna! Wala na kong barrier. Atras muna.

Nakalapit na si Nena sa dalawa.

Nena: Ako naman to! Tumabi ka muna.
Rudy: Copy!

Itinulak ni Rudy ang mga kamay ng dambuhalang halimaw at napaurong ng bahagya ang halimaw. Tumalon paatras si Rudy at nagpahinga muna. Agad namang tumakbo si Nena sa may harapan ng halimaw.

Tinitigan ni Nena ang halimaw habang naka-on ang kanyang dimensiyon instincts at kinausap nya ito.

Nena: Ibang-iba ang daloy ng enerhiya sa yong katawan. Saang planeta ka galing?

Nakatingin lang din ang dambuhalang halimaw kay Nena animo naiintindihan nito ang kanyang sinasabi.

Nena: Di mo na kailangan lumaban. Ako ang tutulong sayo para makabalik ka sa inyong planeta. Kailangan ko lang ang kooperasyon mo.

Biglang nagbago at timpi ng halimaw at ito ay biglang bumwelo para magbigay ng isang malakas na hampas kay Nena. TttggggssshHhh! Agad tumambling si Nena pakanan.

Nena: Okay. Mukang sira na ang tiwala mo sa mga tao sa paligid mo.
Halimaw: WwwwwrrraaaHhh!

Humampas uli ang kabilang dambuhalang kamay ng halimaw at tumambling si Nena paatras. Ttttgggssshh!

Nena: Nag-uumapaw na galit ang nararamdaman ko sa halimaw na to. Mukang di sya payag makipag-negosasyon. Well, I have to do something about that. Sorry baby!

Bumwelong muli ang dambuhalang halimaw gamit ang dalawang kamay nito. Agad itinutok ni Nena ang kanyang spirit gun sa dibdib ng halimaw at pinutukan nya ng isa. BBBAAANNGG!!

Halimaw: WrrraahhhHh!

Napaatras sa lakas ng spirit gun ni Nena ang halimaw dahil narin tinamaan ito sa kahinaan nito. Unti-unti nang nanghihina ang dambuhalang halimaw at ito ay nagpumilit paring umatake gamit ang dalawang kamay nito sa kanan. TgggsshhHh!

Agad tumambling si Nena paatras at sya ay nakapikit lang. Naawa sya sa halimaw habang inaatake nya ito. May kakaiba syang nararamdaman sa halimaw. Isang putok muli galing sa spirit gun ni Nena ang nagpatumba sa dambuhalang halimaw. BBAAANNNGGG! Nanghina bigla ang halimaw at nagpumiglas pa ito para makatayo. Inilabas ni Nena ang kanyang spirit trap gun at pinutok nya ito ng tatlong beses palibot sa halimaw at tuluyang natrap ang halimaw. Lumakad papuntang ulunan si Nena ng halimaw.

Nena: Pasensya ka na at kailangan ko tong gawin. Inilapat ni Nena ang kanyang kaliwang palad sa halimaw at lumiwanag ang kanyang Astral Amulet.

Nena: Astral amulet, ipahiram mo sakin ang yong kapangyarihan para maglakbay sa ala-ala ng dambuhalang nilalang na to. Nagliwanag ang paligid at sila ay nabalot ng ibat-ibang kulay. Ang mga tunog ng paglalakbay ay binalot ang dalawa.

Biglang nagbago ang paligid ni Nena at sya ay unti-unting nakaramdam ng panghihina gaya ng sa halimaw. Biglang nagbago ang paligid at sya ay napunta sa ibang dimensyon. Naramdaman nya ang sariwang hangin na bumabalot sa makakapal na halaman at napansin nya na sya ay nasa ala-ala na ng halimaw. Ito ay kumakain ng halaman.

Sa ala-ala ng halimaw:
Nena: Okay yan pala ang kinakain nyo sa planeta nyo. Mejo may pagkakahawig pero ibang klase ang halamang yan.

Biglang tumakbo ang tatlong maliliit na nilalang na kagaya ng dambuhalang halimaw. Naglambing at naglaro ang mga anak nito sa paanan ng dambuhalang nilalang na ina. Biglang naramdaman ni Nena ang sarap sa pakiramdam ng pagiging isang ina na kagaya ng naramdaman ng nilalang. Habang nasa Dimensiyon ng ala-ala si Nena ay nararamdaman nya ang kung ano man ang naramdaman ng nilalang.

Nena: (Napangiti at nakaramdam ng lungkot at saya) Wow isa pala syang ina sa planeta nila. Ganito pala ang pakiramdam ng may anak. Walang katumbas na kaligayahan.

Maya-maya ay nagulat siya ng makaramdam ng kakaibang kaba ang dambuhalang nilalang nang makarinig ng mga sigaw ng kagaya nitong nilalang. Tumakbo ang halimaw sa may dulo ng lupang kinatatayuan at nakita na may sumasalakay sa mga kauri nito. Agad na tumakbo ang dambuhala at tinawag ang mga anak nito palayo.

Sa isang kweba tinago ng dambuhalang nilalang ang mga anak nito. Hindi magkasya ang nilalang sa loob ng kweba kaya minabuti nitong harangan nalang ang daanan para hindi makasunod dito ang mga anak nito. Nagpupumilit humabol at umiiyak ang mga anak nito. Naiyak bigla ang dambuhalang nilalang ganun din si Nena sa eksanang iyon. Tinakpan ng dambuhalang ina ang lagusan ng kweba para protektahan ang mga anak nito.

Halos hindi kayanin ni Nena ang kaba at lungkot na naramdaman ng nilalang. Pero nilakasan nya ang loob para makita ang mga nangyari.

Nena: Grabe.

Napansin ni Nena na anyong tao ang mga sumasalakay pero ang mga ito ay nakasuot ng kakaibang damit at baluti. Nang makita ng dambuhalang nilalang ang mga sumasalakay ay tumakbo ito palayo sa kweba para ibaling ang atensyon ng mga umaatake at mapalayo ang mga ito sa kweba. Pagdating nito sa may dulo ay nakita nya na may mga nakaabang.

Nena: Oh no.

Paglingon ng nilalang ay bigla nalang nagliwanag ang paningin nito. Ilang saglit lang ay nagbago ang paligid at naging maulap ang kalangitan na kagaya ng Earth. Napansin ni Nena na parang hapon na at nakita nya sa ala-ala ng nilalang ang mga windmill sa may kalayuang lugar.

Nena: Windmill?

Tinandaang mabuti ang itsura ng windmill. Maya-maya ay nakaramdam sya ng kakaibang vibrations galing sa dambuhalang nilalang. Nabaling ang atensyon ng nilalang sa mga wire na nakakabit dito. Biglang nakaramdam si Nena ng matinding kaba at galit na nagmumula sa nilalang. WwwwwwrrraaahhHhh! (Sigaw ng  dambuhala)

Napalingon ang nilalang sa taong nagsalita. Nakasuot ang di kilalang nilalang ng puting damit na kagaya sa isang doktor.

Nena: Nasa Earth na pala sya. Parang sya yung kasama ni Ian?

Bigla na lang nagbago ang paligid at ang paglalakbay sa Dimensiyon pabalik sa Mundo ay di inaasahang nangyari. Nagtaka si Nena kung anong nangyari.

Nena: Huh? Anong nangyari?

Pinagmasdan nya ang dambuhalang nilalang at napansin nya na parang wala na itong buhay. Agad nyang dine-activate ang spirit trap na nakabalot dito. Inobserbahan nya ang dambuhala at napansin nya na wala na yung kakaibang pinagmumulan ng enerhiya nito.

Nena: Naku po. Di ka pa pwedeng mawala. Kailangan ka pa ng mga anak mo.

Lumingon si Nena kay Rudy.

Nena: To! Ang first aid kit dali!
Rudy: First aid?

Tumakbo palapit kay Nena si Rudy at ibinigay ang isang botelya ng first aid potion. Agad pinainom ni Nena ng potion ang dambuhalang nilalang.

Rudy: Teka teka teka... Anong ginagawa mo Ne? Di bat kanina lang e nilalabanan natin tong halimaw? Bat mo binigyan ng first aid kung kelan natalo na natin?

Nena: Isa syang magulang at kailangan sya ng mga anak nya. Isa lang syang biktima ng mga gumagawa ng lagusan.

Rudy: Ah... E ganun ba? Pano na yan? Maya-maya ay makakabangon ulit yan at aatakihin nanaman tayo?

Nena: Wag kang mag-alala to. Akong bahala sa kanya. Tawagan na natin ang headquarters para makapagpadala ng service para sa kanya.

To be continued... Basahin ang kasunod

Comments

Popular posts from this blog

Nena Ang Spirit Detective 15

Nena Ang Spirit Detective 23