Nena Ang Spirit Detective 16

Continuation...
"Si Nena At Ang Galit Na White Lady"
By: @pinoycreator

Hindi na sumagot ang white lady sa itaas ng palapag at pumasok nalang ito sa loob ng building. Lumapit si Nena sa may building at inilabas niya ang kanyang spirit gun. Dahan-dahan niyang inakyat ang hagdanan papunta sa entrance ng building. Habang siya ay naglalakad papasok sa entrance ng abandonadong hotel, napansin niya na may mga nagkalat na buhok. Sumandal siya sa kanto ng pader malapit sa entrance ng hotel.

Bigla niyang itinutok ang kanyang spirit gun sa entrance ng hotel. Wala doon ang white lady. Pumasok siya sa sirang entrance ng hotel at hinanap niya ang white lady.

Nena: Kaya nyang itago ang lokasyon niya.. mukang di ito isang ordinaryong multo.

Naglakad si Nena sa kaliwang entrance papunta sa gitnang bahagi ng unang palapag ng hotel. Sa bandang gitna ng lobby, biglang lumitaw ang white lady.

White lady: Gusto.. mong.. makipagla.. ro?
Nena: Oo.

Biglang bumulusok sa direksyon kung nasaan si Nena ang mahabang buhok ng white lady pero napansin agad iyon ni Nena at pinutukan niya ito ng kanyang spirit gun. Nawasak ang bumulusok na makapal na buhok ng white lady.

Nena: a-a-a... Di uubra sakin yan. (Nakangiting sagot ni Nena)

Nagtaka ang white lady at tinitigan nito si Nena. Maya-maya pa ay bigla itong galit na sumigaw.

White lady: aaaaaaaaaaaaahh!!!

Nagbago ang itsura ng white lady. Nagkaroon ng mga pulang kulay ang katawan nito at ang mukha nito ay naging mas nakakatakot.

Nena: Hahaha! Yan ang inaantay ko. Game na!

Naglabas ng tatlong buhay na parang ahas na nagmula sa buhok ng white lady at inatake ng mga ito si Nena. Tumakbo pakanan si Nena at iniwasan ang mga ito. Naging mas agresibo ang mga buhok na ahas at naging mas mabilis. Tumakbo ng mas mabilis si Nena papunta sa bandang kanto ng gusali. Biglang nagpakawala ng mabilis na atake ang isa sa mga ahas na buhok at napatalon si Nena sa pagiwas. Bumaon sa sementong sahig ang unang ahas na buhok.

Pagbagsak ni Nena sa sahig ay dali-dali siyang umikot at itinutok ang kanyang spirit gun sa papaatakeng pangalawang ahas na buhok. BANG! Ang malakas na tunog ng upgraded na spirit gun ni Nena na nagwasak sa pangalawang ahas na buhok. Sa likod naman ng pangalawang ahas na buhok ay biglang bumulusok ang pangatlong ahas na buhok. Agad iyong nakita ni Nena kaya tumambling siya pakaliwa at tagumpay niyang naiwasan ang atake. Bumaon ang pangatlong ahas na buhok sa haligi ng building.

Nakita niya na nakawala sa pagkabaon ang unang ahas na buhok kaya naman binaril na niya agad ito at iyon ay nawasak. Gumulong si Nena paharap sabay tinutok ang kanyang spirit gun sa natrap na pangatlong ahas na buhok sa haligi ng building. BANG! Malakas na tunog ng spirit gun ni Nena at ang mga ahas na buhok ay nawasak na.

Nena: Hmmm! Ayos talaga tong upgraded na spirit gun ko. Grabe ang lakas!

Tumakbo si Nena sa likod ng pader at nakita niya na galit na nakatingin sa kanya ang white lady.

Nena: Haaay.. Next please?? Meron pa ba?
White lady: ...

Nanahimik ang white lady pero ito ay galit na galit kay Nena. Naglabasan ang mga ugat nito sa bandang ulo at nagconcentrate.

Nena: Hmmm. Mukang meron pa siyang ibubuga! Ramdam ko na naglalabas siya ng mas malakas na enerhiya.

Humabang muli ang buhok ng white lady at nahati sa walong parang tali. Lumapag ang dulo ng mga buhok na tali sa sahig at biglang naglabasan sa sahig ang hugis taong mga walang mukang nilalang.

Nena: Oh my! Andami nila! Kailangan ko na yatang tumakbo.
White lady: RRAAAAAAAAAAAHHHH!!!

Tumakbo ng mabilis si Nena paakyat sa pangalawang palapag ng gusali at nagtakbuhan na ang mga nilalang papunta kay Nena. Ang iba ay gumapang paakyat sa pader at ang iba naman ay umakyat sa mga hagdan papuntang 2nd floor.

Mabilis na hinabol si Nena ng isa sa pinakamalaking nilalang na walang mukha. Pagdating ni Nena sa 2nd floor nakita niya na malapit na siyang abutan ng pinakamalaking nilalang. Tumalon si Nena sa lamesang nakatumba pero hinawi lang iyon ng nilalang. Umikot si Nenang paharap at pagupo niya ay Binaril niya kaagad ang pinakamalaking nilalang. Saktong tinamaan ito sa ulo at nawasak ang pinakamalaking nilalang. Pagtayo ni Nena ay lumingon siya sa likod at bigla nalang may nakaabang na suntok sa mukha niya. Tinamaan si Nena at siya napatumbling.

Nagpakawala ng suntok at sipa ang pangalawang nilalang na matagumpay na naiwasan ni Nena. Biglang sumagi sa isip ni Nena ang mga bago niyang natutunang skills at gusto niyang subukan ang mga iyon. Napansin niya na may papunta pa na dalawang nilalang sa may bandang likod niya sabay iwas sa atake ng nasa harapan na nilalang. Tumakbo si Nena papalayo sa tatlo at napansin niya na may isa pang nilalang na gumagapang sa pader na pababa na sa 2nd floor.

Nena: Gosh! Andame!

Habang si Nena ay tumatakbo ay inasinta nya ng mabuti ang ulo ng nasa pader na nilalang. BANG! Agad na nawasak ang nilalang sa may pader. Habang hinahabol pa siya ng tatlong nilalang ay bigla siyang tumigil. Humarap siya sa mga ito at naisipan niyang gumamit ng cursing ability. Itinutok niya ang kanyang kaliwang kamay sa tatlong nilalang ng nakabukas ang palad at lumiwanag ang kanyang mata at palad. Mabilis na nag-isip si Nena ng sumpa na ipapataw niya sa mga nilalang at isinigaw niya nalang ang unang pumasok sa isip niya.

Nena: MALAMYANG BAKLANG FEELINGERA!!!

Biglang nabalot ang tatlong nilalang ng itim na may violet na kulay at naging slow motion ang pagtakbo ng mga ito palapit kay Nena.

Nena: Haha! Ano ba yan... Pero in fairness effective ah.

Pinaputukan niya ng kanyang spirit gun ang mga nilalang ng tig-dadalawang bala ang ang mga iyon ay nawasak. Umilaw ng pula sa may bandang ammunition ang spirit gun ni Nena, senyales na wala na itong bala. Bigla nalang na may paparating pa na nilalang sa kanyang harapan at likuran.

To be continued... Basahin ang kasunod

Comments

Popular posts from this blog

Nena Ang Spirit Detective 15

Nena Ang Spirit Detective 4