Nena ang spirit detective 13

Continuation...
"Ang Meeting ni Nena sa Rank A - Spirit Detective"
By: @pinoycreator

Matapos talulin ng ibang anyong Nena ang maligno sa malaking puno, bumaba siya kung saan naroon ang kanyang nasirang electric scooter. Tumigil ang hindi niya makontrol na katawan sa eksaktong lugar kung saan siya nasawi. Biglang nagbago ang paligid, naging makulay at ang mga tunog ng paglalakbay ay kanyang narinig. Lumabas mula sa kanyang noo ang kanyang alagang si Ming.

Chineck ni Nena ang kanyang katawan at napansin niya na gumaling na ang mga bali niya at ang mga sugat na idinulot ng paghampas ng malaking bagay sa kanyang electric scooter ay naghilom kaagad. Hinang-hina ang kanyang katawan at nanginginig ng bahagya. Bumalik sa dating kulay ang kanyang buhok at pati na ang anyo ng kanyang katawan.

Nena: "... A-anong nangyari sakin?"

Si Ming ay naglambing sa kanyang paanan at sabik na sabik na makitang muli na buhay ang kanyang mommy.

Nena: "Salamat bebe ko sa pagligtas mo sa akin... Ahh.. mejo nanghihina lang si mommy, pero uuwi na tayo."
Ming: "Meooooww."

Kinuha ni Nena ang kanyang bag at sumakay dun si Ming. Napansin niya na nabasag ang screen protector ng kanyang cellphone pero ito ay gumagana parin. Nanginginig ang kanyang kamay habang siya ang nagbu-book ng sasakyan pauwi sa kanyang condo. Nagulat ang driver sa mga nangyari nung sila ay nagkwentuhan habang nasa biyahe. Nagpahinga kagad si Nena matapos niyang pakainin si Ming.

Kinabukasan pag-gising ni Nena ay naalala niya yung ibinigay na health juice drink na binigay sa kanya ni Tonyo. Nag-timpla siya nun at ininom niya. Binigyan niya rin ng konti si Ming. Na-amaze siya dahil parang nag-rejuvinate kaagad ang kanyang katawan at ready na kaagad sumabak sa misyon.

Nena: "Ang galing naman nitong gift ni Tonyo. Haaay. Nag-aalala parin ako sa mga nangyari. Di ko pa maintindihan. Ngayon ko lang na-experience yun since naging spirit detective ako."

Kinuha ni Nena ang kanyang cellphone na basag ang screen protector. Naghanap siya ng makaka-chat na kagaya niyang spirit detective sa apps ng mga kagaya niya. Nakakita siya ng mas mataas ang rank sa kanya na online.

Chat nila Nena at Rank A Spirit Detective:
Nena: Hi. Care to chat?
Rank A SD: Hello. Yes po.
Nena: Busy po ba kayo? Gusto ko lang po sanang i-share yung experience ko?
Rank A SD: I'm free po today.
Nena: Okay po san po convenient sa inyo mag-meeting?
Rank A SD: Sa Kainan sa Hardin po sana this lunch.
Nena: Okay sige po. Thanks!

Nag-gym si Nena pagkatapos nilang mag-chat ng Rank A Spirit Detective na imi-meet niya. Napansin niya na wala sa gym si Tonyo.

Nena: "Bakit kaya wala siya ngayon? Oh baka maaga pa kaya wala siya. Gusto ko sana siyang pasalamatan sa gift niya. At maitanong narin, bakit parang hindi ordinaryong herbal juice yun."

Maaga dumating si Nena sa Kainan Sa Hardin na isang restaurant na medyo may kalayuan ng konti mula sa kanyang condo. Kasama niya ang kanyang alagang si Ming, nakasakay sa paborito niyang bag. Sa table nag-antay si Nena at chinat niya ang Rank A SD na kanyang ka meet-up. Medyo marami din ang kumakain sa restaurant.

Chat:
Nena: Hi. I'm here na po.

Habang naghihintay si Nena ng reply tumingin-tingin muna siya sa menu.

Nena: Hmmm... Wow okay din mga pagkain nila dito. Marami ring vegetarian dishes.

Maya-maya tumunog ang cellphone ni Nena.

Chat:
Rank A SD: Dito na rin po ako.
Nena: Okay nasa may corner po ako, I wear blue.
Rank A SD: Okay po.

May pumasok na matipunong lalaki at papunta ito kung saan naroon si Nena.

Salita sa isip:
Nena: Wow siya na siguro to. Ang hot ng datingan niya.

Nakangiti si Nena sa papalapit na gwapong lalake pero tila di siya napapansin nito. Dinaadan lang siya nito at dumiretsyo kung saan may isa pang matipuno at gwapong lalaking nag-aantay. Biglang nagbeso-beso ang dalawang matipuno at gwapong lalaki.

Salita sa isip:
Nena: Huuuuwwaaaat?! Really? Sayang naman! Ang gwapo pa naman niya.

Habang nakatingin si Nena sa dalawang lalaki ay di napansin ni Nena na may batang lalaki sa tapat ng table niya.

Bata: "Excuse me po."
Nena: "Ahh... Yes po?"
Bata: "Kayo po ba si Ms. Nena?"
Nena: "Ah, yes po. Bakit po?"
Bata: "Bill Flores Rank A, S.D.O. division 24 po"

Ipinakita nung bata ang kanyang Spirit Detective Organization ID nito. Nagulat si Nena sa sinabi nung bata dahil di niya ine-expect na bata yung Rank A spirit detective na naka-chat niya.

Nena: "Aaahh... Sorry... Helena Thomas Rank B, S.D.O. Division 33."

Pinakita din ni Nena ang kanyang S.D.O. ID kay Bill. Naupo si Bill sa table ni Nena. Iniabot nung waitress kay Bill yung menu.

Bill: "Ahh.. Okay lang po bang mag-order po muna tayo, Ms. Helena?"
Nena: "Sure. Sure, sige order muna tayo."

Habang umo-order si Bill ng pagkain ay naghahanap si Nena ng kanyang oorderin. Mejo naiilang siya kasi di parin siya talaga makapaniwala na ang isang batang kagaya ni Bill ay isa nang Rank A spirit detective. Tapos nilang umorder ay nagsimula na silang mag-usap.

Bill: "Hmmm... Okay lang po ba kayo Ms. Helena?"
Nena: "Nena nalang po itawag niyo sakin. Grabe! Ilang taon na po ba kayo?"
Bill: "Twelve po."
Nena: "What? Grabe talaga Rank A na po kayo kaagad?"
Bill: "Opo. Ate Nena pwede pong wag na po kayo mag-po sakin?"
Nena: "Ah, oh sige. Grabe, ang galing-galing mo naman!"
Bill: "Thank you po"

Nena: "Parang nahihiya tuloy akong i-discuss sayo yung mga tanong ko."
Bill: "Hmmm.. Wag ka pong mahiya magtanong sakin."
Nena: "iiihh.. anu ba yan.. kasi naman eh.. oh, sige na nga."

Nagsimula nang magdatingan yung mga inorder nilang pagkain habang sila ay nag-uusap. Kumain na kagad si Bill at napansin ni Nena na parang gutom ito.

Nena: "Sige kain na nga muna tayo bago natin pag-usapan yung mga tanong ko."
Bill: "Okay po."

Kumain na ang dalawa. Nagdatingan pa ang mga pagkain na inorder ni Bill. Napansin ni Nena na malakas kumain si Bill at madami siyang inorder. Halos lahat ng kinakain nila ay vegetarian. Matapos ang ilang saglit ay nabusog na si Bill. Si Nena naman ay di pa tapos sa kanyang kinakain pero busog na rin.

To be continued... Basahin ang kasunod

Comments

Popular posts from this blog

Nena Ang Spirit Detective 15

Nena Ang Spirit Detective 4